CHAPTER TWENTY TWO

6 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dumaan ang ilang oras at nakabalik na kami sa resort. Bumalik kami sa kani-kaniyang mga kwarto para magpahinga. Pagkarating namin sa kwarto ni Liam, hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Agad niya itong napansin.

"Sobrang saya naman talaga ng mahal ko." Sabi niya sa akin.

"Syempre naman, ikaw kasi, napakahilig mo sa mga supresa. Ang galing galing mo talagang pasayahin ako." Sagot ko sa kanya.

"Gutso ko lang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga para sa akin. Kaya lahat ng bagay gagawin ko at ibibigay ko sayo. Dahil pinasaya mo rin naman ang puso ko." Sagot niya sa akin. Lumapit siya sa akin at niyakap ako at hinalikan sa noo.

"Oh sige na! magpahinga muna tayo..." Sagot ko sa kanya sabay lakad papunta sa banyo.

"Oo nga pala, anong gagawin natin mamaya? Saan lakad natin?" Tanong ko sa kanya.

"Sila Patricia magsuswimming sa pool mamaya, pero tayo, may iba tayong pupuntahan." Sabi ni Liam sa akin.

"Nanaman? Hihiwalay nanaman tayo sa kanila?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, sila kasi, ayaw nila sumama, sabi nila, tayong dalawa nalang daw muna at baka nakakaistorbo daw kasi sila sa moment nating dalawa." Sabi ni Liam sa akin.

"Ha? Eh teka... kaya nga sila nandito para sama-sama tayong mag-enjoy." Sabi ko kay Liam.

"Hayaan mo na, ayaw mo ba akong makasama na tayong dalawa lang?" Tanong ni Liam.

Tumingin sa akin si Liam ng diretso at nilabian ako na para bang iiyak na bata.

"Oo na, sige, tayong dalawa nalang!" Sagot ko sa kanya.

"Yehey! Thank you!" Sagot niya sa akin.

"Osige na magpupunas na ako!" Sabi ko sa kanya sabay sarado ng pinto ng banyo.

Pagkatapos kong maligo, nahiga na ako sa kama para umidlip. Nang ilang sandali lang habang naliligo si Liam, nakaramdam na ako ng antok. Nagising ako nang biglang hipan ni Liam ang tainga ko.

"Gising na! may lakad na pa tayo." Sabi ni Liam sa akin.

Bumangon na ako at kinusot ang mata. Pag-tingin ko sa orasan, mag 4 na ng hapon.

"Saan lakad natin?" Tanong ko sa kanya. habang nagsusuklay siya ng buhok.

"Secret!" Sabi sa akin ni Liam.

"Nanaman!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Oh sige na nga, sasakay tayo ng yate." Sabi ni Liam sa akin.

"Talaga?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Yep!" Sagot niya sa akin.

"Teka wait lang maliligo lang ako!" Natatarantang sagot ko sa kanya sabay takbo sa banyo.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now