CHAPTER EIGHTEEN

5 0 0
                                    

Nagulat ako sa ginawa niya sa akin kaya't natulak ko siya agad. Napatingin ako sa paligid ko at tinignan kung may tao. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Nakatulala lang ako at hindi makapagsalita. Bigla siyang naglakad papasok sa loob ng abandonadong room at kinuha ang bag niya. Pagkatapos, iniwan na niya ako mag-isa na nakatulala doon.

Ilang saglit lang, umalis na ako doon at hinanap sila Carl. Nakita ko sila na nasa loob ng isang room sa building ng college namin. Nang makita nila ako, gulat na gulat sila. Sinabi nila sa akin na namumula daw ang mukha ko.

"Saan ka nanggaling? Bakit namumula yang mukha mo?" Tanong ni Pat sa akin.

"Hi-hindi ko alam. Naglakad kasi ako sa initan." Alibi ko sa kanila.

"Init? Eh mag 4 na ng hapon hindi na ganoon kainit no?" Sabi ni Daniel sa akin.

"Hay nako Pat, halika samahan mo muna ako maglilipstick lang ako sa CR bili!" Sabi ni Daniel.

Pagkaupo ko sa armchair, bigla namang lumapit sa akin si Carl.

"Bro! Anong nangyari sayo? Bakit ka namumula?" Tanong ni Carl sa akin.

"Si... Liam ba?" Tanong niya sa akin.

Unti-unti naman akong napatingin sa kanya.

"Bro, inamin na sa amin ni Liam lahat ng plano niya. Confirmed na may gusto nga sayo si Liam dahil ikaw ang iniisip niya all the time na pinaplano niya yung mga mangyayari kanina." Sabi ni Carl sa akin.

Hindi parin ako makasagot kay Carl dahil sa pagkabigla sa ginawang paghalik sa akin ni Liam.

"Pero bro diba nakita natin na may pasa si Liam sa bibig niya noong huli kayong nag-usap? Saan niya nakuha yun?" Tanong ni Carl sa akin.

Biglang naalala ko yung tinutukoy ni Carl na pasa sa bibig ni Liam. Doon napakunot ang noo ko. Oo nga kung kinausap niya yung mga alumni ng college namin? Ibig sabihin isa doon sa seniors ang nanakit sa kanya? pero bakit? Bakit naman siya sasaktan ng mga senior niya eh hindi humihingi lang naman siya ng tulong?

Lumipas ang mga oras na hindi mawala sa isipan ko lahat ng nangyari sa amin ni Liam kanina. Pagka-uwi naming ni Carl sa dorm...

"Oh, bro, sabi nga pala ni prof Hilto may meeting daw tayo bukas sa kanya kasama sila Michelle. Pag-uusapan daw natin yung tungkol sa nangyari kanina..." Sabi ni Carl sa akin.

Hindi ko napansin ang sinabi sa akin ni Carl.

"Huy bro! Okay ka lang ba talaga? Ano ba kasing nangyari kanina?" Naiinis na tanong sa akin ni Carl.

Unti-unti kong tinignan si Carl at inamin sa kanya ang nangyari kanina.

"Bro hinalikan ako ni Liam sa labi kanina." Sabi ko sa kanya.

"Oh, hinalikan ka lang pala sa labi ni Liam eh... HA? HINALIKAN KA NIYA?" Gulat na tanong ni Carl.

Tumango ako sa kanya.

"So ibig sabihin, legit na may feelings sayo si Liam?" Gulat na tanong ni Carl.

"Hinalikan na niya ako eh. Hindi ba't yun na yung sagot sa tanong natin?" Sabi ko kay Carl.

"OH BRO! Pano na yan? Ano nang gagawin mo?" Tanong ni Carl sa akin.

"Hindi ko alam... ano bang dapat kong gawin?" Tanong ko kay Carl.

"Ikaw? Hindi ba't may nararamdaman ka kay Liam? Hindi ba't sinabi mo noon na muntik ka na mahulog sa kanya?" Tanong ni Carl sa akin.

"Bro, nawala yung feeling ko na yun para sa kanya noong inakala kong niloloko niya tayo." Sabi ko kay Carl.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now