CHAPTER TWENTY FOUR (Liam)

5 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ui guys gising na siya! Tawagin niyo yung kuya niya bili!"

"Gab!..."

"Gab?..."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko... sa unang pagtingin ko, parang hindi ko ma-alala lahat ng nangyari sa akin. Napatitig ako sa mga taong nasa paligid ko.

"Hi Gab! Kamusta ka na? okay na ba yang nararamdaman mo?" Tanong ng isang babaeng nasa gilid ko.

Tinitigan ko siya mabuti pero hindi ko siya makita ng malinaw dahil malabo ang naging paningin ko ng mga oras na iyon.

"Si...sino kayo?" Gulat na tanong ko sa kanila.

Napansin kong nagulat sila at nangamba sa naging sagot ko sa kanila.

"Na...nasan ako? Bat ako nandito?" Tanong ko sa kanila. Bigla akong napatay at sa pagtayo ko, nakaramdam ako ng sakit sa may bandang kaliwang dibdib ko.

"AHH!"

"Gab! Huwag ka munang tumayo! May sugat ka pa sa dibdib mo!" Sabi nung lalaking nasa gawing kanan ko.

"Ba...bakit ako may sugat? Sino kayo? Anong ginawa niyo sa akin? Na...nasan na si Liam? LIAM!" Sigaw ko sa kanila.

"Gab! Si Patricia to! Eto si Carl! Si Zoey! Si Michael! Mga kaibigan mo kami! Si Daniel at Axel tinawag yung kuya mo!" Sabi nung babae sa akin.

Ilang saglit lang, unti-unting luminaw ang paningin ko. At nakita ko nga sila Patricia at buong tropa sa loob ng kwarto.

"Pat?.... Carl?" Agad kong binanggit ang mga pangalan nila nang makita ko ang mga mukha nila ng malinaw.

Ilang saglit lang, biglang may pumasok sa loob ng kwarto ko. Si Daniel at Axel. Nang may sumunod na isang lalaki sa kanila, hindi ko inakala ang makikita ko. Napatulala ako sa taong pumasok sa kwarto ko.

"A...anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Gab! Gising ka na!" Agad na lumapit sa akin yung lalaking iyon at niyakap ako.

Hindi mapigilang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Agad akong tinawagan ng kaibigan mo. Yung isang lalaki dito, Liam ang pangalan... Sinabi niya sa akin yung naging kalagayan mo. Kaya mabilis akong pumunta dito." Sagot nung lalaki.

"Gab, I'm really sorry! I'm really sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni lola Patawarin mo ako!." Sabi nung lalaking iyon.

Siya si Kuya Warren. Kapatid ko kay papa. Malaki ang agwat ng edad naming dalawa, 26 years old na siya ngayon. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pang-aabandona sa amin ng lola ko noong nasa higschool ako. Sa edad niyang 20 years old, mas pinili niyang makipag tanan sa girlfriend niya kaysa tulungan akong alagaan si lola. Sobrang close kaming dalawa ni kuya Warren noong nabubuhay pa sila mama at papa. Hindi kami mapaghiwalay na dalawa. Pero simula noong mamatay sila mama at papa, lumayo na ang loob niya sa akin at nagsimula na siyang malulon sa bisyo niya. Kaya simula noong inabandona niya kami ni lola, hindi ko na siya itinuring na pamilya. Hindi ko na siya binanggit sa mga kwento ko tungkol sa pamilya ko.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now