CHAPTER TWENTY THREE

3 0 0
                                    

3 Weeks After...

Nagising ako mula sa tama ng liwanag mula sa bintana ng kwarto namin ni Carl.

"Gab, gising na, papasok pa tayo." Sabi ni Carl sa akin.

Unti-unti akong tumayo sa kinahihigaan ko.

"Ilang gabi ka nang puyat... Sigurado ka na ba talaga diyan sa desisyon mong iyan?" Tanong ni Carl sa akin.

Nakatulala lang ako sa bintana ng kwarto namin ni Carl.

"Oh sige, mauuna na akong pumasok. Sumunod ka na ha, wag mo nang hayaang maapektuhan yang pag-aaral mo." Sabi ni Carl sa akin.

Hindi ko inaasahan ang nangyari simula noong makauwi kami galing Batangas ng tropa.

3 Weeks Before...

Makalipas ang dalawang araw mula ng makauwi kami galing outing sa Batangas... Pagpasok namin sa school nila Carl, agad kaming sinalubong ng ilang mga kapwa namin freshmen na babae.

"Hi Gab! Goodmorning! May tanong lang kami sayo." Sabi nung babae sa akin.

"Ah sige... ano yun?" Tanong ko sa kaniya.

"Napapansin kasi namin noong mga nakaraang linggo na lagi kayong magkasama ni Liam at lagi ka niyang hinahatiran ng pagkain... Gusto lang namin malaman kung kayo bang dalawa?" Tanong nila sa akin.

Hindi agad ako makasagot sa tinanong nila sa akin. Napatulalala lang ako sa kanila sabay nag-paalam.

"Ah, kailangan ko na kasing pumasok, sorry ha!" Sabi ko sa kanila.

"Teka Gab! Wait!" Sabi nung babae na nagtatanong sa akin.

Ilang saglit lang, sinalubong ako nila Liam na galing sa entrance.

"Oh guys! Ano musta may hang over pa ba!" Biro ni Axel sa amin.

Bigla naman akong nilapitan ni Liam.

"Goodmorning Gab." Bati niya sa akin.

"Goodmorning." Mahiya-hiyang batik o sa kanya. napatingin ako ng wala sa oras doon sa mga babaeng nagtanong sa akin kanina at napansin kong nakatingin sila sa amin ni Liam at nagbubulungan.

"Tara! Ihahatid na kita sa room mo." Sabi ni Liam sa akin sabay ngiti. Inabot niya sa harapan ko ang palad niya para hawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasang mapatingin doon sa mga babaeng iyon na nagbubulungan at nang mapansin nilang inaabot ni Liam ang kamay niya sa akin. Mas napansin ako ang tinginan nila na para bang nanghuhusga. Gusto ko mang labanan ang takot at kaba ko ng mga oras na iyon pero hindi ko iyon magawa. Ibinaba ko ang kamay ni Liam at sinabi sa kanyang...

"Huwag na muna Liam, kaya ko na naman umakyat." Sabi ko sa kanya sabay lakad paakyat sa second floor. Habang umaakyat ako ng hagdan, hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan. Iniwasan ko ang mga taong nakakasalubong ko at bumabati sa akin. Hanggang makarating ako sa room.

Pagkatapos ng klase, gaya ng dating ginagawa ni Liam, sinusundo niya ako sa room para samahan maglunch. Pero that time, mas lumala ang tingin ng mga taong nasa paligid namin.

Pagkalabas ko ng room, naglakad ako ng diretso at nilagpasan si Liam na naghihintay sa akin. Agad naman akong hinabol at sinundadn ni Liam.

"Gab? Bat mo naman ako nilagpasan? Gusto mo bang sumabay sa amin maglunch?" Tanong ni Liam sa akin.

"Ahh, hindi muna, mag stay muna ako sa library. Mag-aaral ako." Sabi ko sa kanya.

"Ehdi sasamahan na kita." Sabi ni Liam sa akin.

"Hindi! Sumama ka muna kayla Carl, okay lang ako. Kailangan ko munang magpag-isa." Sabi ko kay Liam.

Bigla naman akong pinigilan ni Liam sa paglalakad.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now