CHAPTER ELEVEN

3 0 0
                                    

Pinagpaliban ko muna lahat ng plano dahil hindi makakapasok si Liam kinabukasan. That day, naging busy kami sa campaign. Habang namamahagi ng flyers at nagpipicture sa photobooth, kinalabit ako bigla ni Daniel at pagkatapos, may binulong siya sa akin.

"Gab, Gab! Sina Michelle look!" Sabi ni Daniel sa akin sabay turo sa kabilang booth.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong inaayos na nila ang booth nila.

"Pst. Pat! Pumunta ka dun! Tignan mo tanungin mo." Sabi ni Daniel kay Pat.

"Ha? Eh ayoko, baka mamaya awayin nila ako." Sagot ni Pat kay Daniel.

"Ha? Eh hindi naman bakit ka naman nila aawayin..." Tanong ni Daniel. Hindi ko na pinatapos si Daniel sa sasabihin niya ng maisip kong ako na ang kakausap kay Michelle.

"Ako na, ituloy niyo nalang itong ginagawa ko." Sagot ko sa kanila.

Naglakad ako papunta kay Michelle na inaayos ang decoration ng booth nila.

"Ah, Michelle." Tawag ko sa kanya.

"Oh, Gab? Ano yun? May kailangan ka?" Mahinahong tanong ni Michelle.

"Ah, gusto ko lang itanong kung nakapagdesisyon na ba si Dean about sa election?" Tanong ko sa kanya. Napatingin si Michelle sa mga kasama niya na nag aayos ng booth at nakita ko na may halong saya at lungkot ang mga itsura nila.

"Ano ba sa tingin mo Gab? Nakita mo namang inaayos namin itong booth, so it means pumayag na si Dean Tang na ituloy ang election pero, binigyan niya kami ng condition." Sagot sa akin ni Michelle. Nacurious ako sa condition na binigay sa kanila ni Dean Tang kaya tinanong ko kung ano iyon.

"Ano daw?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo na kailangang malaman Gab, bakit ko naman bibigyan ng impormasyon ang kalaban naming partido tungkol sa nangyayari sa partido namin?" Seryosong sagot niya sa akin habang tinitignan niya ako ng diretso.

"Hindi ako tanga Gab, kaya, huwag mong gamitin yung concern mo para malaman ang kahinaan namin. Hindi kami magpapatalo. Tandaan mo yan." Seryosong sagot niya sa akin. Umalis na siya at tinulungan niya ang mga kasama niya sap ag-aayos. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong mga oras na iyon. napa-isip ako sa sinabi niya sa akin. Naisipan ko nalang na umalis at maglakad-lakad.

Hindi ko namang intensyon na sirain ang partido nila Michelle. Nagiging concern ako sa kanila dahil ayokong maexperience nila yung kahihiyan na maari nilang maranasan kung lumabas man yung nangyari sa partido nila.

Ilang saglit pa, nakita ko si Carl na tumatakbo papunta sa akin.

"GAB!" Sigaw niya sa akin habang tumatakbo.

"Oh, Carl, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tignan mo to!" Inabot niya sa akin yung phone niya at pinakita sa akin ang isang post sa FB page ng college namin.

"Kanina lang pinost ni Michelle. Humihingi siya ng tulong sa mga first year students sa college natin. Gusto niya ivoice out yung pagkakamali na nagawa nila. And look, dumami agad yung reactions tapos yung mga tao sa booth natin, pumunta sa booth nila." Sagot ni Carl.

Hindi ako nakaramdam ng takot at kaba sa nangyari. Alam ko na kinakailangan nilang makabawi sa campign kaya nagawa niyang sabihin lahat ng pagkakamali nila. At some point, hindi rin tama na kunin niya ang simpatya ng mga estudyante para hilingin na iboto sila. Alam kong magkalaban parin kami sa partido. Pero sa kabila ng lahat ng ito, mas pinili ko nalang na hayaan sila.

Simula ng mangyari ang lahat ng iyon, nakita namin na naging patas na ang laban. Unang naubos ang flyers ng partido nila Michelle. Habang kami, may natitira pang sampung flyers.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now