CHAPTER SIXTEEN

8 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain sa isang Korean barbeque restaurant, naisipan kong dumeretso sa CR para umihi. Pagkalabas ko ng cubicle, nagulat ako nang biglang pumasok si Carl ng CR.

"Bro! May ano nang balita? Kamusta na yung plano mo?" Tanong niya sa akin.

"Plano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yung, plano... plano mong bukingin si Liam." Sabi ni Carl.

"Ah, bro, tinigil ko na yung planong iyon." Sabi ko kay Carl.

"Hindi mo na tinuloy? So paano na yan? Hihintayin mo nalang na kusa mong malaman mula sa kanya? hihintayin mo nalang na magconfess sia sayo?" Tanong ni Carl.

"Hi-hindi ko alam, hindi pa naman tayo sigurado kung may gusto ba talaga siya sa akin oh hindi eh." Sabi ko kay Carl.

Napa-isip ng malalim si Carl.

"Halika na baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko sa kanya.

Lumabas na kami ng resto at dumeretso na sa school. Pagkadating namin sa school, hinatid kami ni Liam sa room namin. Nang papasok na kami sa loob ng room, hinili bigla ni Liam ang braso ko.

"Sabay tayo mamayang umuwi, magkita tayo sa gate ng 4:15 pm. Okay?" Seryosong sinabi ni Liam sa akin.

"Hihahatid mo nanaman ako? Eh kasabay ko na naman si Carl umuwi." Dahilan ko sa kanya.

"May group activity sila mamaya, hindi makakasabay si Carl sayo kaya ako na ang maghahatid sayo sa dorm mo at papasok at pauwi sa trabaho mo. Sa ayaw at sa gusto mo." Seryosong sinabi niya sa akin sabay lakad paalis.

Nainis ako sa mga desisyon niya para sa akin. Hindi ko naman kailangan ng bodyguard or what hays! Pagpasok ko sa loob ng room, as I expected, kokonti lang ang mga kaklase kong pumapansin sa akin and the rest, hindi na ako pinapansin especially yung mga babae. Pagkatapos ng klase, makikiheram sana ako ng ballpen sa isa kong katabi na babae dahil naubos yung inta ng ballpen na ginagamit ko. Hindi niya ako pinansin at inirapan lang niya ako sabay kuha ng bag at umalis palabas ng room. Ilang saglit lang lumapit sa akin si Pat at inabot sa akin yung ballpen niya.

"Oh!" Sabi niya sa akin sabay abot ng ballpen.

"Salamat!"

"Hayaan mo na sila! Hindi naman sila kawalan sayo hindi ba?" Tanong sa akin ni Pat.

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. pinagpatuloy ko na ang pagsusulat ko. Ilang saglit pa, tinanong ko kay Pat kung anong oras na.

"Uhm, 4:10 pm." Sagot niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin hinila ko yung braso niya para siguraduhin kung tama yung oras ng relo niya. Mas lalo akong nataranta nang makita kong 4:10 nga ang nakalagay sa relo niya. Dali-dali kong inayos yung mga gamit ko at inilagay sa bag.

"Teka-teka! Bat nagmamadali ka? May lakad ka?" Tanong sa akin ni Pat.

"Basta sabihan nalang kita sa susunod mauna na ako bye!" Sabi ko kay Pat.

"Ooh teka yung ballpen ko!" Sagot niya.

"Ay oo nga! Eto oh, salamat sa ballpen mauna na ako!" Sagot ko sa kanya habang nagmamadaling tumkbo papunta sa gate ng school.

Nagkanda, laglag-laglag ang mga bitbit kong gamit at halos mabangga ko na ang mga taong nakakasalubong ko. Nang papalapit na ako sa gate, nakita ko na agad si Liam na hinahantay ako. Saktong 4:15 pm. Napatapat ako sa kanya.

"3...2....1...." Bilang ni Liam habang tumatakbo ako papunta sa kanya.

"I'm here!" Sabi ko sa kanya habang hinahabol ko ang paghinga ko.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now