CHAPTER THIRTY (Gabriel's POV)

1 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I'm Lanceliot Cruz... Some accidentally called me Gabriel and that makes me feel so strange. Parang may connection siya sa past events sa buhay ko. Maraming beses na akong napagkakamalang Gabriel and I don't know why. Minsan sa malls at sa parks, kapag nagdedate kami ni Nicole, hindi ko inaasahan na may mga makakasalubong akong unknown people at binabati nila ako. Even si Nicole nawiweirduhan sa mga nangyayaring ganun sa akin. But everything started to became clear when I started to experience some strange dreams kung saan may nakikita akong isang lalaki na Malabo ang kanyang itsura. Lagi niyang binabanggit ang pangalang "Gab" and the most creepy and weirdest word na binabanggit nung guy sa panaganip ko... "Mahal na mahal kita Gabriel! Hinding hindi ko hahayaang masaktan ka!" Sobrang kinilabutan ako kapag naaalala ko ang mga pangyayaring iyon sa panaginip ko. hindi ko ineexpect na lalaki ang masasabi sa akin ng mga salitang iyon. Noong una inakala ko na si kuya Warren ko ang nagsabi sa akin ng mga salitang iyon. Inopen ko sa kanya ang tungkol sa panaginip ko at sinasabi niyang siya nga daw iyon. Sinabi niya daw sa akin ang mga salitang iyon noon. Pero hindi ako naging kumbinsido sa mga sinabi niya sa akin dahil iba ang boses ng lalaking nasa panaginip ko at iba ang boses niya.

Naging isang malaking tanong sa aking isipan ang panaginip kong iyon, at unti-unting lumilinaw ang lahat ng sagot nang makilala ko ang isang lalaking hindi ko inaasahan.

Una ko siyang nakita sa LRT station kung saan ibinalik ko sa kanya ang nalaglag niyang panyo. Pangalawang bes ko siyang nakita ay harapan na, hindi ko inakalang siya rin pala ang lalaking kikitain namin nila Pat ang Carl ng araw na iyon sa intramuros. Siya pala ang magiging cliente namin para sa trabahong inoffer sa amin.

"Nang marinig ko ang boses niya, nagsimulang bumalik ang mga ala-ala sa panaginip ko. Noong una ay binalewala ko lang pero nang malaman ko ang pangalan niya, doon ako nagsimulang magtaka. Parang familiar sa akin ang pangalang iyon. Pagkauwi ko sa bahay ng araw na iyon, hindi mawala sa isipan ko ang pangalan niya. "Liam Ancheta... Liam Ancheta" Paulit-ulit kong binigkas ang pangalang iyon pero hindi ko parin maalala. Tumatak sa isip ko ang boses niya na kaparehong kapareho sa boses ng lalaking nasa panaginip ko.

Binalewala ko nalang ang lahat ng iyon. Pero muli nanamang bumalik sa isip ko ang lahat ng may isa akong nakasalamuhang kapwa ko estudyante sa university na pinapasukan ko na naging kaklase ko daw noon sa dati naming school.

"GAB! Long time no see! Kamusta ka na? kamusta na kayo ni Liam? Kayo parin ba?" Natutuwa at gulat na sinabi sa akin ng isang babae.

Hindi ko alam ang isasagot ko ng mga oras na iyon, pilit akong ngumiti at inaalala ang mukha niya pero hindi ko siya maalala.

"Hi, okay lang!" Sagot ko sa kanya.

"Osige Gab! Mauna na ako! May klase pa kasi ako. Hindi ko ineexpect na dito ka rin pala lilipat ng school!" Sabi niya sa akin at sabay nagpaalam na siya.

Gumulo nanaman sa isipan ko lahat at dinagdagan pa niya ng isa pang alalahanin ang aking isipan.

"Anong ibig sabihin niyang kami ni Liam?" Tanong ko sa kanya. biglang pumasok sa isipan ko si Liam Ancheta na cliente namin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now