THE FINAL CHAPTER: The Escape to Forever

12 0 0
                                    

Si Cleonard Esguerro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Cleonard Esguerro. Ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan noong ako ay tumuntong ng 1st year college. First day of school noon nang una kaming magkakilala ni Cleo. Naghahanap ako ng room noon nang makabanggaan ko siya.

"Huy! Pasensya na!" Sabi niya sa akin nang mabunggo niya ako.

"Hindi okay lang!" Sabay pulot nung nalaglag niyang libro.

Nang maituon ko ang tingin ko sa kanya, bigla nalang umaliwalas ang mukha ko. Nakangiti kasi siya sa akin habang inaabot ko sa kanya ang libro niya.

"Bago ka lang din ba dito?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Oo... hinahanap ko yung room ko eh. Kanina pa ako paikot-ikot dito..." Sagot ko sa kanya.

"Sakto! Hinahanap ko rin yung room ko, what if magsabay nalang tayo! Ano bang section mo?" Tanong niya sa akin.

"BSBA-FM1A" Sagot ko sa kanya.

"Ay, sayang... 2A Kasi ako... pero, tara magtulungan nalang tayong hanapin yung room natin!" Sagot niya sa akin.

"Sure!" Sagot ko sa kanya.

"Ah! Cleonard Esguerro nga pala! Cleo nalang!" Pakilala niya sa akin.

"Liam... Liam Ancheta." Sagot ko sa kanya habang nakikipagkamayan sa kanya.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi man kami magkasama sa iisang section noon, pero pinaglapit naman kami ng tadhana bilang maging magkaibigan.

"Bro! Pasado ako sa Accounting!" Matuwa-tuwa niyang balita sa akin.

"Talaga? Swerte mo naman!" Sagot ko sa kanya.

"Bakit ikaw? Pasado ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi eh, isang points nalang sana pasado na ako sa exam." Sagot ko sa kanya.

"Okay lang yan... hindi masamang bumagsak sa una, atleast sa next try mo, paniguradong maipapasa mo na yan!" Nakangiting sagot niya sa akin.

Si Cleo din ang nagpapalakas ng loob ko sa mga oras na lugmok ako sa kalungkutan. Sa lahat ng oras na kailangan ko ng kausap, siya ang laging sumasalo sa akin.

"Huwag mo nang isipin yan bro... Alam mo ako, hindi rin ako masyadong pinapansin nila mama at papa... pero sinasagot naman nila ang mga pangangailangan ko sa buhay. Kaya eto, enjoy lang... kasi kahit hindi nila ipakita sa akin na mahal nila ako, nararamdaman ko naman yun. I'm sure ganyan din ang mama at ate mo sayo. Busy lang siguro sila ngayon dahil nasa ibang bansa sila at may kanya-kanya nang trabaho." Sabi sa akin ni Cleo habang pinupunasan ko ang luha sa mga mata ko.

"Maraming salamat Cleo... Isa ka talagang mabuting kaibigan!" Sagot ko sa kanya.

"Syempre naman! Nandito lang ako at hinding hindi kita iiwan!" Sagot ko sa kanya.

Dumating din sa punto na siya ang pinagsabihan ko ng lahat ng nangyayari sa lovelife ko lalung lalo na noong naging kami ni Sophia.

"BRO! CLEO!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. nasa hallway kami ngayon ng building ng college namin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now