CHAPTER FOURTEEN

4 0 0
                                    

Pagkatapos kong magbihis, naisipan kong dumeretso na sa room kung saan kami nakatambay ng mga kaibigan ko. Pagkadating ko doon, nagulat sila Daniel at Pat nang makita ako.

"Gab?" Sabi ni Daniel sa akin habang gulat na gulat.

"Oh bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanila.

Napansin kong tumingin ulit sila sa phone na hawak ni Daniel atsaka tumingin sa akin.

"K...kay Liam ba yang t-shirt na suot mo?" Nagtatakang tanong ni Pat.

"Bakit? Pano niyo nalaman?" Gulat na tanong ko.

"Eto oh tignan mo!" Sabi ni Daniel sabay lapit sa akin at may pinakita siyang picture ni Liam na may kasamang babae.

Nagulat ako nang makita yung picture na yun.

"Teka? Saan mo nakita yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Sa FB." Sagot ni Daniel habang nagiiscroll sa phone niya.

"Ha? Hindi ba't walang social media account si Liam kanino niyo naman nakuha yan?" Tanong ko sa kanila.

"Ano ka ba Gab! Kay Michelle tong account na to! Nakita naming sa people you may know yung profile niya." Sagot ni Daniel.

Nagulat ako sa sinabi ni Daniel. Pano magkakaroon ng pic ni Liam si Michelle? Atsaka sino yung babaeng nasa tabi ni Liam?

"At isa pa, nakakapagtaka lang yung babaeng katabi ni Liam doon sa picture, eh hindi naman si Michelle yun." Sabi ni Pat.

"Atsaka hindi naman kasama si Michelle doon sa picture. Puro si Liam at yung babae lang na yun yung nasa picture oh." Sabi ni Daniel sabay pinatingin sa akin ulit yung pictures.

Napa-isip ako ng malalim at naguluhan sa mga nangyayari. Ilang saglit pa, biglang dumating si Carl.

"Guys! Nakausap ko si prof Hilto ang sabi niya huwag daw nating kalimutang mag deactivate ng social media accounts. ayaw daw niya malaman na nanangampanya pa tayo through online. Tapos na yung campaign period natin." Sabi ni Carl.

"Ay ang korni naman ni prof Hilto! Dito na nga lang ako nakakapaghanap ng mga pogi eh!" Sabi ni Daniel.

"Mag grinder ka kasi boba!" Sabi ni Pat kay Daniel.

"Ay No! Way! Ayoko nga dun kaya nagmumula yung mga nagkakaSTD's yuck!" Sabi ni Daniel.

"Loka, huwag mo namang lahatin! May mga matitino din dun no? atsaka besides, depende naman sa pag-gamit yan! Kung gagamitin mo yun just to find FUBU! Don ka makakakuha ng STD's!" Sabi ni Pat.

Napapa-isip parin ako sa mga nakita ko. Kaya sa sobrang curious ko, Binuksan ko yung phone ko at hinanap ang profile ni Michelle para hanapin yung picture ni Liam at nung babae. Naisip ko na kausapin si Michelle tungkol dito.

Pagkatapos ng huling klase namin, hinanap ko agad ang room nila Michelle. Nang makita kong naglabasan na ang mga students sa kani-kanilang room, hinanap ko agad si Michelle at nang makita ko ang isang kaklase ni Michelle. Agad kong tinanong kung nasaan siya.

"Hey! Excuse me? Si Michelle?" Tanong ko sa kaklase niya.

"Ay kanina pa bumaba." Sagot nung kaklase niya.

"Ah sige salamat!" Sagot ko sa kanya.

Agad akong tumakbo ng mabilis at bumaba sa hagdan at nang makita ko si Michelle, agad ko siyang tinawag.

"MICHELLE!"

"Gab? Bakit?" Seryosong tanong niya.

"May itatanong lang ako sayo." Sabi ko sa kanya. Binuksan ko yung phone na hawak ko at ipinakita sa kanya yung picture ng babaeng kasama ni Liam.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now