CHAPTER THIRTY FOUR

3 0 0
                                    

Nandito parin kami at magkasamang pinapanood ang mga bituin sa langit.

"Na-alala mo ba yung una tayong pumunta dito? Tinanong mo ako tungkol sa kahilingan ko?" Tanong ko sa kanya.

"H...hindi eh." Sagot niya sa akin. Nakahiga parin siya sa balikat ko at magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

"Huwag kang mag-alala, ikukwento ko nalang sayo." Sagot ko sa kanya.

"Noong mga oras iyon, ganito rin ang sitwasyon natin. Tinitignan din natin at pinapanood ang mga nagkikislapang bituin sa langit... Tapos tinanong mo ako. Kung pagbibigayn ako ng pagkakataong humiling at tuparin ang mga kahilingang iyon, ano yung hiling kong iyon..." kwento ko sa kanya.

"Ano yung huling mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Ang hiling ko..." Sagot ko sa kanya, umalis siya sa pagkakahiga sa balikat ko at tumingin sa akin. Inabangan niya ang magiging sagot ko.

"Yung ay ang makaalis at makawala sa mundong ito... gusto kong makawala sa mundong ito na puno ng problema, pasakit, paghihirap... Gusto kong lisanin ang mundong ito...." Sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya atsabay tumingin sa kanyang mga mata.

"Kasama ang taong minamahal ko." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Napansin kong unti-unting ngumiti si Gab sa akin.

"Pwede bang tuparin nating muli ang mga pangarap kong iyon? ituloy natin ang nasimulan natin... Lisanin natin ang mundong ito. Tayong dalawa lang. Walang problema... walang iisipin na kahit anong problema... yung puro pagmamahal lang." Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang mga kamay.

Napansin kong namumuo ang luha sa mga mata niya pero unti-unting nagbago ang emosyon niya nang may maalala siya.

"Liam... Hindi maaari..." Malungkot na sagot niya sa akin.

"B...bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May girlfriend ako... hindi pa kami nagkakaayos ni kuya... hindi pa ako handing harapin ang nakaraan ko kung ako mismo, hindi ko pa naaalala ang lahat. Masasaktan lang ang mga taong nagmamahal sa atin ngayon... masasaktan lang natin ang isa't-isa." Sagot niya sa akin.

Akala ko okay na ang lahat. Umaasa ako na magkakabalikan kami ngayon. Pero patuloy parin palang humihila sa amin pabalik ang mga taong maaari naming masaktan.

Sa pagkakataong iyon, bumagsak na ang mga luha niya mula sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung paano ko haharapin si kuya... Natatakot ak na kapag nalaman niyang unti-unti ko nang nalalaman ang nakaraan ko, hindi niya matanggap... Liam... Ano bang nangyari sa nakaraan ko? Ano bang nangyari noon na nakapagpaudyok kay kuya para itago niya ang lahat ng ito tungkol sa atin?" Tanong niya sa akin.

Napatulala ako sa mga tinanong niya sa akin. Ilang saglit pa, bumalik sa ala-ala ko ang sinapit niyang trahedya noon at ang ginawa kong pang-iiwan sa kanya.

Hindi ko masagot ang lahat ng nangyari sa kanya noon dahil panigurado ako, hindi niya kakayanin ang lahat... at higit pa doon, baka unti-unting lumayo loob niya sa akin... kapag nalaman niya na iniwan siya noon. Tinitigan ko nalang siya sa mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya at maya-maya pa'y hinalikan siya sa noo niya.

Lumipas ang halos 15 minutos, nakahiga parin siya sa balikat ko. maya-maya pa'y napansin kong nakatulog na siya. Ilang saglit lang ay biglang nagring ang phone ko . Marahan kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tinignan iyon. Nang mabuksan ko na ang phone ko, nakarecieve na ako ng 5 missed calls at 15 na text messages sa kanya. hindi ko namalayang kanina pa pala tumatawag sa akin si Andrew. Binasa ko ang mga text messages niya at nalaman ko ng mga oras na iyon na hinahanap na ni kuya Warren si Gab.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now