CHAPTER TWENTY NINE

1 0 0
                                    

Halos isang minuto kaming nagkatitigang apat nang biglang basagin nila Pat, Carl, Daniel at Axel ang aming katahimikan.

"Ui! Ang ingay ingay dito sa sa loo bang tatahimik niyo naman!" Pambasag trip ni Axel sa amin.

"Oo nga ay teka sino itong gerlalu na ito?" Tanong ni Daniel nang makita niya si Ashley sa tabi ko.

"Ah, guys! Si Ashley, girlfriend ko." Sagot ko sa kanila.

"WHAT!?" Sabay na sinabi ni Daniel at Axel.

Nagkatinginan naman sina Pat at Carl nang marinig nila ang sinabi ko. Nagkatinginan din sina Daniel at Axel.

"Hi, mukhang gulat na gulat kayo ha!" Nakangiting sinabi ni Ashley sa kanila.

"Oh... sige tara na, bumalik na tayo sa table!" Sabi ni Axel sa amin.

Nagsibalikan na kaming lahat sa may table namin at pagkatapos nagpakilala sila Ashley at Nicole sa amin.

Matagal na nilang kakilala si Nicole kaya't sa amin nalang siya ni Ashley nagpakilala ulit at nagkuwentuhan sila ni Gab tungkol sa kanilang relasyon. Hindi ko mapigilang malungkot at masaktan sa bawat kuwentong inilalahad sa amin ni Nicole tungkol kay Gab dahil sa bawat bigkas ng salita ni Nicole, abot langit ang ngiti ni Gab.

"Naku, ang sweet sweet niyo naman pala! Sana ganun rin itong si Liam ngayon!" Sabi ni Ashley sa kanila.

"Ay bakit naman Asle?" Masungit na tanong ni Daniel sa kanya.

"Ah, let me correct you... it's Ashley! Not Asle!" Sagot ni Ashley sa kanya.

"Eh paano mo nga nasabing hindi ganun si Liam sayo? Eh napaka sweet nitong si Liam pag dating sa pag-ibig!" Sabi ni Axel sa kanya.

Magsasalita na sana si Ahsley pero bigla ring nagsalita si Zoey.

"Oo nga, based sa mga naging samahan namin before, sobra maeffort itong si Liam at gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya." Sabi ni Zoey.

"Atsaka sobrang sincere nitong Liam ko no!" Dagdag ni Andrew.

"Oo nga! Kahit itanong mo pa diyan kay Gab!" Sabi ni Daniel na ikinabigla ng lahat kaya't nabatukan siya ni Carl.

"Huwag kang maingay!" Bulong ni Pat kay Daniel.

"Si..sino si Gab?" Naguguluhang tanong ni Nicole.

Napatingin ako kay Gab ngayon at napansin kong pati siya ay naguguluhan na rin.

Tumahimik ng ilang segundo ang table namin nang biglang basagin ni Ashley ang katahimikang iyon.

"Actually, biglang nagbago si Liam ngayon... Noon kasi nung nasa Taiwan pa kaming dalawa, sobrang sweet niya as in lahat ng sinabi niyo, ipinakita niya sa akin noon. Kaso... simula noong bumalik kami dito sa Pilipinas, bigla nalang nagbago ang lahat... lalo na noong sinimulan niyang asikasuhin ang tungkol sa exhibit ng artworks niya." Medyo sarcastic ang pagkakabanggit ni Ashley sa bawat salitang binitawan niya.

Nagkatinginan silang lahat at natahimik sa pagsagot ni Ashley sa mga tanong nila. Parang hindi nila nagustuhan ang tono ng pananalita ni Ashley. Saglit akong tumingin kay Gab na ngayo'y hindi parin paawat sa pag-iisip. Ilang saglit lang bigla siyang tinapik ni Nicole.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Nicole sa kanya.

"Ah, yes, I'm okay... mag babanyo lang ako! Excuse me guys!" Sabi ni Gab sa amin sabay tayo.

Naisipan kong sundan siya pero nang patayo na ako, bigla akong hinila ni Ashley pabalik.

"Where are you going?" Bulong niya sa akin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now