CHAPTER THIRTY TWO (Gabriel's POV)

3 0 0
                                    

Nakasakay kami ngayon ni Nicole at Joshua sa isang taxi pauwi sa subdivision namin. Habang nasa byahe kami pauwi, hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga nangyari kanina. Gulung-gulo ang aking isipan dahil sa mga nakita at narinig ko pati na rin sa mga ala-ala kong bigla-bigla nalang sumusulpot sa aking isipan.

Nagsimula ang lahat ng ito nang ibalita sa akin ni Nicole ang tungkol sa magaganap naming concert sa school. Nang maibalita ko kay Liam ang tungkol dito, inasahan ko na matutuwa siya para sa akin. Pero hindi iyon ang nangyari. Nang gabing iyon na ibinalita ko sa kanya ang tungkol sa concert, ipinagpatuloy at itinapos namin lahat ng gawain sa venue. Hindi ko napansin na halos makuwento ko na sa kanila ang lahat ng tungkol sa banda namin sa sobrang saya. Kahit hindi ko pinapahalata sa kanila na nag-aalala ako sa mga ipinapakita sa aking kilos at galaw ni Liam, napapansin ko parin iyon. Nang malaman niyang hindi ako masyadong makakatulong sa kanilang mag-ayos kinabukasan at sa mga susunod pang araw, nag-iba ang mood niya.

Binalewala ko nalang iyon at nagfocus nalang sa banda at pagpapractice. Ibinilin ko nalang kayla Pat atsaka kay Carl ang mga susunod na gagawin habang wala ako doon ng mga susunod na araw. Halos apat na araw ang lumipas, halos naubos ang buong araw ko sa pagpapractice sa banda. Kinagabihan ng mga araw na iyon, agad akong dumederetso sa venue para kamustahin sila at tignan ang mga nagawa nila. Hindi naman nasayang ang oras nang wala ako doon dahil unti-unting natatapos ng mga kasamahan ko ang trabaho. Sa tuwing susunod rin ako sa kanila doon, ikinukwento ko sa kanila ang mga pangyayari sa practice namin at sa mga nagaganap sa paghahanda sa concert. Interesadong makinig ang lahat sa akin pero hindi naging interesado lahat ng iyon para kay Liam. Kapag break time nila, naiisipan nalang niyang ipagpatuloy ang trabaho at hindi makinig sa mga kuwento ko tungkol sa banda ko.

Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko alam pero hindi mawala-wala sa isipan ko ang napapansin kong pagtatampo ni Liam sa akin. Hindi ko rin alam kung tama ba itong mga iniisip ko tungkol sa kanya. kaya bilang pambawi ko sa kanya, naisip kong handugan nalang isya ng kanta bukas sa concert. Halos mag dadalawang oras akong nag-isip ng kanta para sa kanya pero walang pumapasok sa utak ko. Naisip kong buksan ang cellphone ko at magpatugtog ng playlist ng ben&ben. Isa sa mga kantang narinig ko ang nagbigay sa akin ng ala-ala ng mga oras na iyon. "Sa Susunod na Habang Buhay." Nang mapakinggan ko ang kantang ito, may isang ala-alang pumasok sa isipan ko, mga pangyayari kung saan nasa isang yate ako at may kasamang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang lalaking nakikita ko sa mga iba kong panaginip. Nakayakap ang lalaking iyon habang pinagmamasdan namin ang agos ng mga alon.

"Gab, bago matapos ang araw na ito, gusto ko malaman mo na... hinding hindi ko talaga makakalimutan ang pagkakataong ito na ikaw ang nakatuluyan ko... Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama kita." Sabi niya sa akin habang yakap yakap ako.

"Alam kong hindi madali para sa tulad natin ang harapin ang ganitong klaseng pagmamahalan. Pero maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin!" Dagdag pa niya.

Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at hinalikan ako sa ulo ko.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako ng mga oras na iyon. saktong kinanta naman sa pinapakinggan kong kanta ang chorus na part kung saan hindi ko inaasahang masasaktan ako.

"Hindi ba pangako mo no'ng una
Tiwala'y iingatan, baka naman sa susunod na habang buhay...haay...nalang..."

Hindi ko alam kung bakit napakalaking epekto ng bawat lyrics ng kanta sa akin. Parang nagbabago ang takbo ng damdamin ko na para bang kay bigat ng nadarama.

Kinabukasan, bago magsimula ang concert, umaga palang at dumeretso na kami sa school para sa final rehersal namin, agad kong kinausap ang manager ng concert at ang mga banda ko kung pwedeng magdagdag pa ng isang kanta sa mga tutugtugin namin, noong una hindi ako pinayagan pero nang pinilit at magmakaawa ako sa kanila, doon sila pumayag. Pinagkinggan nila ang kanta at pagkatapos saka namin prinactice. Nang gabing iyon, bago magsimula ang concert, halos lahat ay handa na, nakabihis na pero kulang pa kami ng isang miyembro. Hinintay muna naming dumating si Joshua na galing pa sa bahay nila para kunin ang electric guitar niya na gusto niyang gamitin sa performance namin. Habang naghihintay ako, biglang dumating si Nicole sa backstage kung saan kami naghihintay at ibinalita niya sa akin na dumating na sila Pat. Agad kong tinanong sa kanya kung kasama ba nila si Liam. Tumango si Nicole at bigla nalang akong nakaramdam ng tuwa. Ilang saglit pa, biglang napalingon si Nicole at napansin niyang nakarating nap ala si Joshua. Agad kong napansin sa kinaroroonan ni Joshua si Liam na nakatingin sa akin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now