CHAPTER TWENTY EIGHT

4 0 0
                                    

Pagkauwi namin sa bahay, agad na dumeretso ng kwarto si Ashley at nagkulong. Ilang saglit pa, isa-isa niyang inihagis palabas ng kwarto lahat ng gamit ko pati ng damit ko.

"ASHLEY!" Sigaw ko sa kanya

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at pinigilan siya.

"Anong ginagawa mo! Tigilan mo na!" Sabi ko sa kanya habang pinipigilan siya sa ginagawa niya.

"UMALIS KA DITO! AYOKO NANG MATULOG NANG KASAMA KA!" Sabi niya sa akin. Nakita kong nanlilisik ang mga mata niya sa akin. Pagkatapos niyang maihaigis lahat ng gamit ko, bigla niyang sinaran ang pintuan ng kwarto at nilock iyon. Agad na nataranta si manang sa nangyari at may tinawagan sa telepono. Nagtaka ako sa ikinilos ni manang dahil hindi ko pa siya nakikita ng ganun. Natataranta siya at para bang natatakot at kinakabahan sa nangyayari. Agad akong bumaba sa baba at tinignan siya.

"Manang? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo hijo, ayos lang ako, ako nang bahala kay Ashley, huwag mo na siyang alalahanin. Mas mabuti pang doon ka muna sa guest room matulog pansamantala." Sabi ni manang sa akin.

Tumango nalang ako sa kanya pero nagtataka parin ako sa mga ipinapakita niyang emosyon sa akin. Bakas parin sa mukha niya ang pag-aalala. Ilang saglit lang, umakyat na ako at inayos lahat ng gamit at damit ko sa guest room. Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko, ibinaba ko na lahat ng artworks ko at inilagay sa kwarto.

Lumipas ang ilang oras, naisipan kong kamustahin si Ashley. Paglabas ng kwarto, nakita kong lumabas sa kwarto ni Ashley si manang at may dala siyang maliit na tasa at isang basong tubig. Nagtaka ako sa dala-dala niyang iyon kaya't tinanong ko siya.

"Manang? Ano po iyan? Bakit may maliit na tasa kayong dala?" Tanong ko kay manang.

"Ay, binigyan ko lang ng gamot si Ashley dahil sumasakit daw ang ulo." Sabi ni manang sa akin. Agad naman akong dumeretso sa kwarto niya pero pinigilan ako ni manang.

"Hayaan mo muna hijo, nagpapahinga na siya. Mas mabuti pang bukas mo na siya kamustahin." Sabi ni manang sa akin.

Dumeretso na sa kusina si manang at sinulyapan ko muna sa huling pagkakataon ang kwarto ni Ashley bago ako pumasok sa loob ng kwarto.

Ilanga raw ang lumipas, nagkukulong parin sa kwarto si Ashley. Papasok na ako ng school nang biglang lumabas ng kwarto ni Ashley si manang.

"Oh, Liam papasok ka na ba?" Tanong ni manang sa akin.

"Opo... si Ashley po? Kamusta na?" Tanong ko kay manang.

"Ayun, umiyak nanaman kagabi. Pinainom ko ulit ng gamot dahil tumataas ang lagnat niya." Sabi ni manang sa akin. Nagsimula akong mag-alala para sa kalagayan ni Ashley. Papasok sana ako ng kwarto nang pigilan ako ni manang.

"Liam, huwag ka na munang magpakita sa kanya... ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak si Ashley. Kapag nakita ka niya, panigurado akong magsisimula nanaman siyang umiyak. Hintayin mo nalang na kumalma siya..." Sabi sa akin ni manang. Tumango nalang ako kay manang at sabay naglakad na palabas ng bahay.

Lumipas ang ilang araw at magsasabado na kinabukasan, patuloy parin akong nag-aalala kay Ashley dahil halos isang linggo na siyang hindi lumalabas ng kwarto. Mag 9 na ng gabi at nandito ako sa kwarto at nagbabasa ng libro. Hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang kalagayan ni Ashley kaya't hindi ako makapagfocus sa pag-aaral ko. Ilang saglit pa, tumayo ako at lumabas ng kwarto at dumeretso sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Ashley. Nagdalawang isip muna ako bago ako kumatok nang biglang makita ako ni manang at tawagin niya ako.

"Liam!"

Agad niya akong sinenyasan na bumaba doon sa kanya. Napasulyap muna ako sa pintuan ng kwarto ni Ashley bago ako bumaba.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now