CHAPTER TWENTY ONE (Gabriel)

5 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kinabukasan, nagising ako sa tama ng liwanag na tumagos mula sa bintana ng kwarto ni Liam.

"Goodmorning Love!" Sabi ni Liam sa akin matapos niyang buksan ang kurtina na nakatakip sa bintana niya.

Bigla kong tinakpan ang mukha ko ng comforter para makaiwas sa liwanag pero tinanggal iyon ni Liam at hinila paalis sa akin.

"Tara na magbreakfast na tayo may pupuntahan tayo ngayon." Sabi ni Liam sa akin.

"Eh, ayoko pa, gusto ko pa matulog." Sabi ko sa kanya.

"Ah ayaw mo ha!" Sabi ni Liam sa akin. Bigla niya akong hinila sa paa paalis sa kama.

"OI! OO NA SIGE NA SIGE NA TATAYO NA!" Gulat na sinabi ko sa kanya nang hilahin niya ang paa ko.

"Halika na! Baka lumamig na yung niluto ko." Sabi niya sa akin. Agad akong tumayo at kinusot ang mata ko. Nang pagdilat ko, biglang pumasok si Liam sa kwarto at dala dala ang almusal na ginawa niya para sa akin.

"Wow! San ba talaga tayo kakain?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah, san mo ba gusto?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Sa labas na tayo kumain!" Sabi ko sa kanya.

"Okay! Halika na!" Sagot niya.

Agad naman akong tumayo at pumunta sa lamesa na nasa tabi ng malaking bintana ng condo niya doon niya inilapag ang almusal na dala-dala niya para sa akin.

"Oh, eto sayo." Sabi niya sa kin.

"Wow! Scrambled egg!" nakangiting sinabi ko sa kanya habang tinitignan ang niluto niya para sa akin.

"Hindi lang yan! Eto pa, pancake and sinangag with hot coffee and tasty bread!" Sabi niya sa akin.

"Wow! Pinapataba mo talaga ako ah!" Sabi ko sa kanya.

"Ofcourse! Para wala nang aagaw sayo sa akin. Exclusively for Liam Ancheta only ang mahal na mahal kong si Gabriel Cruz!" Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Ewan ko sayo! Pinagsasasabi mo!" Sagot ko sa kanya habang natatawa.

"Naku, babalewalain mo pa ako sa lagay na yan ha, nagmumula na nga yang pisngi mo eh." Sabi niya sa akin.

"Shh! Tama na kumain na tayo!" Sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko. Nagsimula na kaming mag-almusal at pagkatapos, agad na niya akong pinaligo.

"Oh, mashower ka na, may pupuntahan pa tayo." Sabi ni Liam sa akin.

"Saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Basta." Sagot niya sa akin.

Pagkalipas ng isang oras na pagaayos at ilang minutong pagbyahe, dinala ako ni Liam sa simenteryo.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now