CHAPTER SEVENTEEN

4 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa hallway ng building ng college namin, nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ni Liam na babae. Si Joyce. Nakilala ko siya noong mga panahong pinapahirapan ako nila Liam Axel at Drew kapag hinahatid ko sila sa room nila.

"Ui Joyce!"

"Gab? Bakit?"

"May balita ka na kay Liam? Pumasok na ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry Gab, hindi parin siya pumapasok until now eh. Hindi nga rin naming alam kung anong nangyari sa kanya." Sabi ni Joyce sa akin.

"Sige, salamat, kapag pumasok na siya balitaan mo ako ha!"

"Sure! No problem Gab!" Sagot niya sa akin.

"Salamat." Sagot ko sa kanya.

Ilang sandali lang...

"Ah, Joyce?" Pinigilan ko si Joyce para may itanong sa kanya.

"Yes Gab... ano yun?" Tanong niya sa akin.

"Napansin ko lang, noong campaign period, bakit puro freshmen lang ang nakikita kong pumupunta sa booth namin? Atsaka noong nag room to room campaign kami, bakit parang hindi kayo interesado sa amin?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Napatulala lang sa akin si Joyce at biglang naglakad na siya papalayo.

"Joyce! Sandali." Pinigilan ko siya pero mas binilisan niya ang lakad niya.

Anong nangyayari sa kanya? bakit parang lahat ng 4th year na nakakausap ko may dinadalang problema? May itinatago kaya sila?

Kinabukasan, election day. Pagkatapos bumoto ng partido namin, sunod na bumoto ang partido nila Michelle. Umaasa ako n asana pumasok na si Liam nga raw na iyon dahil iyon ang pinaka importanteng araw para sa partido namin.

Kada oras, pumupunta ako sa room kung saan nagaganap ang botohan para magtanong kay Peter na 2nd year student, part ng COMSELECT. Sila ang nagaasikaso ng botohan.

"Ah, Pete! Pwede magtanong?" Tanong ko kay Peter.

"Oh Gab! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito!" Sabi ni Pete sa akin.

"Hindi! Itatanong ko lang kung, dumating na si Liam Ancheta dito?... Bumoto na ba siya?" Tanong ko kay Pete.

"Naku Gab, hindi pa siya dumadating eh. Sasabihan nalang kita kapag nakaboto na siya okay? Alis ka muna dito baka makita tayo ni dean Tang." Sabi ni Peter sa akin.

Umalis na ako at bumalik sa room na pinagtatambayan namin nina Carl.

Pagkadating ko sa room, dumeretso ako sa bintana ng room para tawagan si Liam. Pero hindi parin siya sumasagot. Ilang sagit pa, lumapit sa akin si Carl at kinausap ako tungkol kay Liam.

"Hindi parin siya sumasagot?" Tanong ni Carl sa akin.

"Hindi parin..." Sagot ko sa kaniya.

Tinapik-tapik ako ni Carl sa balikat para pagaangin ang loob ko.

"Bakit ganun? Noong nagngungulit at sumusulpot lagi si Liam sa tabi ko, sobrang naiinis at naiilang ako... pero ngayon, bakit parang namimiss ko siya? Bakit ganun nalang kalaki yung epekto ng pagkawala niya sa akin ngayon? Parang... parang hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi ko siya nakikita... kapag hindi ko siya nakakasama... parang ang bigat bigat sa pakiramdam na hindi ko naririnig yung boses niya." Sabi ko kay Carl.

"Bro, isa lang ang ibig sabihin niyan..." Sagot ni Carl.

Napatingin ako sa kanya at tinanong sa kanya kung ano iyon.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Naaattach ka na sa kanya." Sabi ni Carl sa akin.

"Nasanay ka na na kada oras, kada minuto, sumusulpot si Liam sa tabi mo para alalayan at alagaan ka." Sabi ni Carl sa akin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now