CHAPTER TWENTY SIX (The New Beginnings)

4 0 0
                                    

3 YEARS LATER...

My name is Liam Ancheta, based from my past, I know na may nalaman na kayo about sa akin. But I would like to share what I've experienced 3 years earlier when I started to live with Ashley Navarro. Ang nakababatang kapatid ni Miguel Navarro na Leader ng fraternity na Alpha Tigama. When Miguel had decided to bring Ashely and me to Taiwan to live a new life, hindi na ako tumanggi. I know it's part of the offer na makalayo kami sa mundong kinasanayan ko. At first, hindi ko matanggap na magadjust sa bagong routine ko. Mahirap mag adjust na ibang tao na yung nakikita at nakakasama mo. Nanirahan kami ni Ashely sa Taiwan for one and a half years, sa loob ng mga panahong iyon, sinubukan kong kilalanin si Ashley. Noong una, hindi ko lubos maunawaan ang ipinapakita niyang ugali sa akin. Dahil at that time, si Gabriel parin ang laman ng isipan ko. Hindi ko na pala napapansin, nasasaktan ko nap ala si Ashley. One time, dumating sa point na, napagod na si Ahsley na unawain ang sitwasyon ko. Naisipan niyang iwan ako. Agad ko naman siyang pinigilan dahil kapag nangyaring iniwan niya ako at nalaman ni Miguel, paniguradong babalikan niya si Gab. Kayat ginawa ko lahat ng makakapag papigil kay Ashley na bumalik ng Pilipinas. Isa na doon ang unti-unting pagkalimot kay Gabriel.

Hindi naman ako nabigo. Sa una, nahirapan ako, pero ng unti-untiin kong mapansin ang concern at pag-aalaga sa akin ni Ashley, narerealize ko sa sarili ko, na mabait at mapagmahal si Ashley. Simula noon, nagkamabutihan na kaming dalawa hanggang sa lumipas ang isang taon, tuluyan na akong nahulog sa kanya. dahil sinuportahan niya ako sa lahat ng pangarap ko. Niligawan ko siya at sinagot niya ako. Naging masaya buhay namin hanggang sa lumipas ang ilang buwan, napagpasyahan naming bumalik na sa Pilipinas para simulant ang pag-aaral ko. Sinimulan kong tuparin ang pangarap ko na makapag-aral ng Fine Arts. Sinuportahan ako ni Ashley. Hindi nagtagal, samu't-saring papuri ang natanggap ko mula sa mga taong nasa paligid ko nang mapansin nila at makita ang mga artworks ko, may isang prof na nagsabi sa akin na kapag nakaipon ako ng 100 na artworks, pwede na daw akong magpaexhibit at kahit itinutuloy ko ang pag-aaral ko, marami nang client ang posibleng kumuha sa akin.

Sa loob ng Isa't kalahating taon, hindi ko minadali ang sarili ko pero unti-unti kong napagtanto na naka 50 artworks na pala ako at lahat ng iyon, pasado para sa prof ko.

"Approve! Magaling magaling! So kailangan mo pa ng 50 pang mga artworks mo para ma asikaso na natin ang exhibit mo!" Sabi sa akin ni Prof. Arturo.

"Salamat po sir! Malaking tulong poi tong exhibit na ito para madiscover lahat ng mga gawa ko." Sagot ko sa kanya.

"Nako wala iyon, isa sa trabaho ko ang tuparin isa-isa ang mga pangarap ng estudyante ko, at is aka na dun Liam. Hindi dapat sinasayang ang ganyang talento!... Sino baa ng naging inspirasyon mo sa pagpipinta?" Tanong niya sa akin.

"Si Gabriel po...." Nakangiting sinabi ko. Bigla akong napatigil nang wala sa oras. Hindi ko akalaing maaalala ko ang pangalan ni Gabriel ng mga oras na iyon.

"Sino si Gabriel? Kaibigan mo? Kapatid? Kamag-anak?" Tanong niya sa akin.

"Uhm, Wala po... Dating kaibigan ko po." Sagot ko kanya.

"Hmm, malaking tulong iyan para sa iyo Liam, mas mabuting makita mo siya lagi sa tuwing magpipinta ka. Para mas lalong maging maganda ang mood mo kapag nagpipinta ka." Sagot ni prof Arturo sa akin.

Bigla akong napatingin kay prof Arturo nang sabihin niya sa akin iyon. Simula noong iniwan ko si Gabriel, hindi ko na siya ulit nakita. Sa loob ng tatlong taon, hindi siya tumama sa mga mata ko ngunit naipagpatuloy ko ang mga pangarap kong ito. Sa loob ng tatlong taon na iyon, si Ashley ang nakikita ko sa tuwing nagpipinta ako. Pero sa pagkakataong tinanong sa akin ni prof Arturo kung sino ang naging inspirasyon ko, bakit si Gabriel parin ang nabigkas kong pangalan?

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now