CHAPTER TWENTY

5 0 0
                                    

Sa mga oras na iyon, matapos akong bigyan ng mahigpit na yakap ni Liam, bigla niyang pinunasan ang luha ko sa mga mata at sabay niyaya ako na umalis.

"Gab, ito na ang huling makikita kong tumutulo ang luha mo kapag kaharap ako okay? Ayokong nakikitang tumutulo yang luha mo sa mga mata mo. Gusto ko na sa bawat pagdilat mo sa umaga, ako agad ang maiisip mo." Sabi ni Liam sa akin habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko.

Tumango ako bilang pagtugon sa mga sinabi niya.

"Halika! May pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin. Bigla niya akong hinila sa braso.

Pagkahakbang namin, bigla niyang narealize na sa braso niya ako nahawakan. Tinignan niya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at bigla niyang inilipat ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bigla siyang ngumiti sa akin. Una naming pinuntahan si Andrew. Nang malapit na kami sa mga tao, hinanap niya muna si Andrew at nang makita na niya, bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at pinaghintay ako saglit.

"Gab, hintayin mo ako dito, kakausapin ko lang si Andrew." Sabi niya sa akin. Tumango ako bilang pag-sangayon sa sinabi niya sa akin.

Ilang saglit lang, nakita kong bumulong si Liam kay Andrew at may inabot si Andrew sa kanya.

Maya-maya pa, biglang bumalik sa kinaroroonan ko si Liam at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Tara!" Sabi niya sa akin. Bigla niya akong dinala sa parking lot at pinasakay sa sasakyan ni Andrew.

"Teka-teka? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin habang binubuksan ang makina ng sasakyan.

"Sightseeing." Sabi niya sa akin sabay ngiti.

Noong sinabi niya sa akin iyon, agad kong nakuha kung saan niya ako dadalhin. Pinaandar na niya ang sasakyan at bumyahe na kami paalis. Habang nasa byahe kami ni Liam. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Ilang saglit pa, biglang hinawakan ni Liam ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa kamay ko at napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sabay tumingin ng diretso sa kalsada. Bigla naman niyang binuka ang palad ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi mapigilan ng nararamdaman ko ang mga galawan ni Liam sa akin. Naninibago ako at natutuwa at the same time. Alam kong nakakailang gawin ito dahil parehas kaming lalaki pero sa pagkakataong iyon na kaming dalawa lang ang magkasama, mas natatanggap ko ang sitwasyon at dinadama ang bawat saglit na kasama siya. Halos isang oras at kalahati ang oras ng binyahe namin at nang makarating kami sa pinuntahan namin before, agad na itinigil ni Liam ang sasakyan at tinaggal ang seatbelt niya.

"I want to spent time alone with you habang pinagmamasdan ang ganda ng view." Sabi sa akin ni Liam.

Nang mga oras na iyon may mga bahid ako ng color powder sa mukha at damit. Pagkababa ko sa sasakyan, agad niyang kinuha ang panyo ko na ibibigay niya dapat sa akin kanina at pinunas iyon sa mukha ko.

"Remember. The day when I first saw you at the color blast fun run? Ginamit mo itong panyong ito para punasan ang pawis at powder na nasa mukha mo?" Tanong niya sa akin habang pinupunasan ang color powder sa noo at pisngi ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya sa akin iyon.

"I can't believe that we're actually doing the same thing before... and this time, ako na yung nagpupunas ng color powder sa mukha mo." Sabi sa akin ni Liam.

Nakatulala lang ako sa kanya at that time hindi ko magawang makapagsalita sa kanya. Pagkatapos niyang punasan ang mukha ko, hinawakan niya ang kamay ko at inabot sa palad ko ang panyo na pinang punas niya. Bigla niya akong hinila at pinaupo sa bumper ng sasakyan. Pagkaupo naming dalawa, unti-unti siyang umurong sa tabi ko at humiga sa balikat ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinawakan ito. Nang mga oras na iyon, ang lamig ng simoy ng hangin ang nararamdaman namin at ingay ng kuliglig ang maririnig. Kaming dalawa lang ang naroon at tinatamasa ang bawat oras, minuto at segundong magkasama kaming dalawa habang pinagmamasdan ang buong lungsod sa ibaba. Ilang saglit lang. Biglang nagsalita si Liam.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now