CHAPTER THIRTY ONE (Liam's POV)

3 0 0
                                    

Lumipas ang isang araw at tinanggap ko ang reality na hindi na kami ang magkarelasyon ngayon ni Gab. Kaya't naisipan kong pumunta ng siminteryo the day after kong makita sila Gab at Nicole ng gabing sinundan ko sila. Binisita ko ang puntod ni papa para ipaalam sa kanya lahat ng dinaranas ko ngayon.

"Hi, pa, long time no see po!" Sabi ko sa kanya.

"Pasensya na kung hindi ko kasama si Gab ngayon... matagal nap o kasi kaming hiwalay.... Mga 3 years na po." Dagdag ko.

Hindi nagtagal, nagsimula na akong humagulgol at mapaiyak. Napaluhod ako sa tapat ng puntod ni Papa at napayuko.

"Pa, sorry... nabigo ako sa sinabi kong hindi ko sasaktan si Gab... sorry kung nabigo akong ipaglaban siya. Hindi ko lubos na matanggap na sa ibang tao na siya sumasaya.... Ang sakit sakit sa loob ko yung makitang iba na ang minamahal niya."

"Pero pa, hindi na ako mangangako ulit... hindi na ako mangangako kung hindi ko naman kayang tuparin iyon. This time, sisiguraduhin ko na lahat ng mga binitiwan kong salita, mpaninindigan ko..." Dagdag ko pa.

Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ilang saglit lang, napansin ko na may taong nakatingin sa akin mula sa kanan ko. Bigla siyang nagtago kaya't mabilis kong nilapitan ang kinaroroonan niya. Nang lumingon ulit siya sa akin, nagulat ako nang malamang si Gabriel iyon.

Nagulat siya nang makita niya ako at tinanong ko kung bakit siya nandito sa siminteryo eh wala na naman ang labi ng kanyang lola at magulang. Nalaman ko lang iyon noong panahong bumisita ako dito pagkauwi namin ni Ashley galing Taiwan. Bibisitahin ko sana ang puntod ng lola ni Gab para humingi ng tawad sa ginawa kong pananakit sa kanya. pero nang makarating ako sa puntod nila, iba na ang nakalibing doon.

Nagdahilan nalang siya na may tinitignan siya. Doon ako nagkaroon ng kutob nab aka unti-unti na niyang inaalam ang nakaraan niya.

Sa pagkakataong iyon, humingi na ako ng tawad sa kanya at agad niya naman akong pinatawad. Sinabihan niya ako na magkita nalang kami mamaya sa venue kung saan kami magsisimulang mag-ayos at mag-pinta.

Pagkalipas ng ilang oras at pagsapit ng 12:30, dumeretso na ako sa venue para tulungan silang mag-ayos, pagkarating ko doon, nandoon na ang buong tropa pero wala pa si Gab. Pagdating ng 1 ng hapon, doon na siya dumating at sinimulan namin ang pag-aayos. Inassign kami ni Gab sa pagkakabit ng plywood para gawing pansamantalang pader na pagsasabitan ng mga artworks ko. naisip kasi niyang lagyan pa ng iilang pader ang gitnang space ng hall para maypasikot-sikot sa loob.

Habang nagpupukpok ako ng martilyo at kinakabit ang plywood, aksidente kong napukpok ang daliri ko sa kaliwang bahagi ng kamay ko. agad akong napasigaw sa sakit. Dali-dali namang lumapit sa akin ang lahat pati si Gab. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinipan ang daliring napukpok ko ng martilyo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba ng biglang dumapo sa mga daliri ko ang hininga niya.

Halos bumagal ang takbo ng paligid ko. hindi ko mapigilang titigan siya habang hinihipan ang kamay ko. Nang ilang saglit lang, napansin namin na halos nakatitig nap ala sa amin ang mga kasama namin. Napatingin ako kay Gab at bigla niyang binitawan ang kamay ko.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakaramdam na kami ng matinding init kaya't nagpabreaktime muna si Gab. Agad na nagtakbuhan sila Axel at Andrew papunta kay Gab na ngayon ay naglalabas ng bote ng tubis mula sa cooler.

Ilang saglit pa ng makainom na sila Axel ng tubig, bigla nilang hinubad ang kanilang pang-itaas. Ilang saglit pa, tumingin sila sa akin at pinilit din akong tanggalin ang damit ko dahil pawis na pawis na daw ako.

Halos pilitin na ako ng ilan sa amin at napansin kong biglang pinatalikod ni Axel si Gab para hindi niya ako tignan. Nang maasar sa kanila si Gab at akmang aalis na, naisipan kong tanggalin na ang t-shirt ko at ipunas iyon sa katawan ko. Napatingin naman ako kay Gab na nagyo'y nakatulala at napalunok pa sa akin. Ilang sandali lang, bigla siyang inasar ni Daniel kaya't agad siyang nagwalkout. Naisipan kong sundan siya at nang maabuutan ko siya, hindi ko inaasahang aksidente niyang mahahawakan ang katawan ko na labis kong ikinabigla.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now