CHAPTER SIX

2 0 0
                                    

Kinabukasan, nagkita-kita kami sa loob ng room kung saan kami naghahanda para sa campaign. Napansin nila na wala ako sa mood ng batiin ako ni Daniel.

"Goodmorning Pres!" Bati sa akin ni Daniel na may ngiti.

Hindi ako sumagot sa bati sa akin ni Daniel sa sobrang badtrip nang nangyari sa akin kagabi sa trabaho. Napagalitan nanaman ako ng manager ko for the second time dahil sa pagka late ko.

"Ay, ang sungit naman nito!" Sagot sa akin ni Daniel

Maya maya pa, lumapit sa akin si Patricia.

"Oh, bakit ka nanaman badtrip ngayon? Ano bang nangyari kahapon?" Tanong sa akin ni Pat.

Ilang saglit lang ay dumating na si Liam.

"Yan, yan ang kausapin mo. Itanong mo sa kanya!" Sagot ko kay Pat.

"Oh, anong problema?" Tanong ni Liam sa amin.

"Ah, eh, teka? Nagkita ba kayong dalawa kahapon pagkatapos ng klase?" Tanong ni Pat.

"Hindi, may pinuntahan ako kahapon." Sagot sa amin ni Liam.

"Exactly, may pinuntahan ka! Sabihin mo na kasi na nakipag kit aka kay..." Bigla akong tinapik ni Pat para pigilan ako sa susunod sa sasabihin ko. Binigyan naman ako ni Liam ng "Anong ibig mong sabihin look."

"Ah, I mean. Nakita kasi kita kahapon, may kasama ka sino yun?" Tanong ko kay Liam.

"Kaibigan lang." Sagot niya sa akin.

"Oh come on." Sagot ko sa kanya.

"Ano bang gusto mong iparating ha?" Naiinis na tanong ni Liam sa akin.

"Oh bakit, guilty ka?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.

Maya-maya pa inawat kaming dalawa ni Patricia.

"Shh! Tama na, alam niyo, simulant na natin yung practice natin, oh Liam nakahanda na ba yang sasabihin mo?" Tanong ni Pat sa akin.

"Oo, meron na" Sabay tingin sa akin ng masama.

"Osige pumunta ka na sa harapan." Sagot ni Pat kay Liam.

Nagpunta na si Liam sa harapan at umupo na kami sa armchair. Sa sobrang inis ko kay Liam, kinuha ko yung earphones ko at nagsoundtrip nalang ako.

"Excuse me, mukang hindi ata lahat interesadong marinig ang sasabihin ko." Sabi ni Liam sa harapan.

Napansin kong napalingon silang lahat sa akin.

"SHH, HUY! Gabriel!" Sinita ako ni Daniel.

"Oh?" Tanong ko sa kanya.

"Magsisimula na si Liam makinig ka!" Sagot niya sa akin.

Sinimangutan ko si Liam saka ko tinanggal ang earphones na nakalagay sa tainga ko.

"Ok start na Liam." Sabi ni Pat.

"Isang magandang umaga sa inyong lahat, aking lubos na pinakikilala ang partidong aking kinasasangkutan..." Hindi na natapos ni Liam ang sasabihin niya nang magsalita ako.

"What? Anong word yon? Kinasasangkutan? Anong akala mo sa amin sindikato?" Pang-aasar na tanong ko sa kanya.

"Kung willing ka talagang gawin yan sana naman inaayos mo mga salita mo no?" Dagdag ko pa.

Sa sobrang inis ni Liam, sinagot niya ako ng wala sa oras.

"ANO BA GUSTO MONG IPARATING HA? NA HINDI KO GUSTO TONG GINAGAWA KO?" Sigaw niya sa akin.

Napatayo silang lahat at nataranta.

"OO, HALATA NAMAN EH. HINDI PA BA OBVIOUS? Kahapon lang, alam mong handa na ang lahat para sa mga sasabihin nila pero ikaw, imbes na gumawa ka na ng introduction mo, mas inu-una mo pa yang phone mo!" Sagot ko sa kanya.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now