CHAPTER THREE

2 0 0
                                    

Pagka-uwi ko ng dorm, agad akong humingi ng tulong kay Carl kung paano ko gagawin ang panunuyo kay Liam.

"Ha? Hindi pa siya pumapayag?" Tanonf sa akin ni Carl.

"Oo eh, may nagawa kasi ako sa kanya noong isang araw eh." Walang pag-iisip kong nasabi ng di sinasadya sa kanya.

"Ha? Anong ginawa mo?" Nagtatakang tanong ni Carl.

"Ah, I mean, noong unang nag-usap kami noong nakipagsuntukan siya? Baka may nasabi ata akong masakit sa kanya? Siguro, dinamdam niya. Kaya ayun." Alibi ko sa kanya.

"Ah, eh pano na yan?" Tanong sa akin ni Carl.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Carl at nakareceive siya ng chat mula kay Daniel.

"Oh, sino yan?" Tanong ko kay Carl.

"Si Daniel, nagchat siya, icheck ko daw yung University confession page." Sabi sa akin ni Carl.

Agad akong lumapit sa tabi niya para makita yung sinasabi ni Daniel kay Carl. At nanlaki ang mata ko nang makita ang isang psost tungkol kay Liam. Isang picture niya na nakafocus sa sugat nito sa may gilid ng bibig at ang caption ay "Sino may gawa nito sa baby ko? Gotla kayo sakin pag nakita ko kayo!" Napalunok ako at napalayo kay Carl.

"Oh, bat kaya nagkasugat to sa bibig? Nakipag away nanaman ba siya?" Tanong ni Carl.

Pagtingin niya sa akin nagulat siya dahil nakita niya akong parang nag-aalala.

"Oh eh bat ganyan itsura mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Carl.

"Ah, eh syempre, iniisip ko kung pano natin mapapapayag yang Liam na yan." Sagot ko nalang sa kanya. Syempre ayoko rin namang mahuli niya na ako ang may gawa ng sugat sa bibig ni Liam. Baka mas lalo silang mainis sakin dahil mahihirapan kaming mapapayag si Liam na maging campaign manager namin.

"Oh eh pano na nga ngayon? Dumagdag pa to. Mukang mahihirapan talaga tayong mapapayag tong si Liam kasi panigurado akong badtrip to dahil sa ginawa sa kanya ng kung sino man yung gumawa nito." Sagot sa akin ni Carl.

Mabilis na tumingin ako kay Carl.

"Oh eh bat parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ko kay Carl.

"Iniisip ko lang, sinabi naman ni Pat na hindi si Liam ang nangunguna sa away kapag napapa-away siya. Siguro tong sugat na natamo niya, hindi siya pumalag. Grabe din naman yung taong gumawa nito no? bakit kaya niya nagawa yun? Bagong salta lang yung tao sa school natin tapos bubullyhin lang nila." Sagot sa akin ni Carl.

Sa sinabi sa akin ni Carl, mas lalo akong nakonsesnya sa ginawa ko, mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa sarili ko sa nagawa kong iyon. kaya unti-unti kong inamin kay Carl lahat.

"Uuhm, Carl?"

"Oh? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Carl.

"Uhm, yung sugat sa bibig ni Liam?.... Ako yung may gawa." Sagot ko kay Carl at napangiti na guilty ako sa itsura ko noong sinabi ko yun kay Carl.

"HA! Ba-bakit?" Gulat na tanong ni Carl.

"Hi-hindi ko naman sinasadya, noong nakiita mo ako sa CR noong isang araw na nakatulala, yun yung time na nangyari yun." Sagot ko kay Carl.

"Ha? Eh bakit mo pa kailangan magsinungaling kanina?" Hindi mo nalang agad sinabi? Kaibigan mo ko Gab dapat sinabi mo agad sakin! Eh pano na ngayon? Pano na natin siya mapapapayag na maging campaign manager natin yang si Liam?" Nag-aalala at natatarantang tanong ni Carl.

"Sorry Carl, natakot lang ako sa mga sasabihin niyo sa akin kaya tinago ko nalang sa sarili ko yung nangyari, Uhm don't worry, ako gagawa ng paraan. Gagawin ko ang lahat para mapapayag ko siya." Sagot sa akin ni Carl.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now