CHAPTER SEVEN

2 0 0
                                    

Hindi ko inaasahan ang maririnig ko mula kay Liam. Mas lalo akong nagkaroon ng interes na malaman ang kanyang istorya ng marinig koi to sa kanya. Kaya pumunta ako sa kusina at umupo sa may parang breakfast area ng kusina. Dahan-dahan akong umupo at tinanong ang nangyari sa magulang niya.

"A-anong nangyari?" Mahinahon na tanong ko sa kanya. At first, inaasahan ko na baka hindi niya sagutin ang tanong kong ito sa kanya. Pero ng patayi niya ang kalan at nilagay ang niluluto niya sa plato na nasa tapat ko, bigla niyang sinagot ang tanong ko.

"Noong 5 years old ako, yun yung time na naghiwalay sila. Hindi ko alam kung bakit lagi silang nag-aaway. Si ate Lianne lang ang nakakaalam at hindi niya pinapaalam sa akin ang naging dahilan kung bakit naghiwalay si mama at papa. Lumaki ako sa side ni papa. Habang si ate Lianne naman, sa side ni mma. Noong mag hahighschool na ako, doon nagkasakit si papa. Severe Pneumonia. Hindi na kinaya ni papa mag work noong time na yun, nanghihina na kasi siya. Sila mama naman, nasa America. Patagong pinapadalhan kami ni ate Lianne ng pang gastos sa ospital at pang allowance ko. Pero noong nag grade 8 ako, di na kinaya ni papa. Tuluyan na siyang bumitaw." Kwento ni Liam sa akin at nungg oras na mabanggit niya ang pagkamatay ng papa niya, napansin kong namuo ang luha sa mga mata niya. Napigilan niya ito nang bigla siyang huminga ng malalim at iniba ang usapan.

"Ah, Halika, dito tayo." Sabi ni Liam sabay kinuha yung dalawang plato ng pagkain at dinala sa dining table niya.

Sumunod ako sa kanya at pinaupo niya ako sa upuan. Kumuha siya ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara't tinidor at iniabot iyon sa akin.

"Oh, kain!" Sagot niya sa akin.

Nakisabay nalang ako sa ginawa niya. Inamoy ko ang pagkain na niluto niya at nabanguhan ako.

"Hmm, mukang masarap to ha. Ambilis mo naman atang lutuin to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makita kong buttered shrimp at beef broccoli ang inihain niya.

"Ininit ko lang yan, yan yung hindi ko nakain noong umorder ako sa resto na pinuntahan ko kahapon." Sagot niya sa akin.

"Ah, kaya pala." Sagot ko sa kanya.

"Sige na kumain ka na, pagkatapos, ihahatid na kita sa inyo." Sagot niya sa akin.

Kumain na kaming dalawa ng mga oras na iyon at pagkatapos, naisipan kong tanungin siya tungkol sa condo na tinutuluyan niya.

"Uhm, Liam?"

"Yes?" Sagot ni Liam.

"Itong condo mo? Sino nagbigay sa iyo nito?" Tanong ko sa kanya.

"Binili ito ni mama sa akin. Actually, nang malaman ni mama na namatay na si papa, binili niya sa akin tong condo na ito, pinauwi niya si ate Lianne dito para may makasama ako. Until mag college ako, doon, bumalik si ate Lianne sa America. Kaya, ako nalang ang naiwan dito." Sagot niya sa akin.

"Ah, so, yumaman pala kayo noong nagpunta ng America yung mama at ate mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, nagpakasal kasi si mama sa isang Americano. Kaya, eto ang buhay ko ngayon." Sagot niya sa akin.

Nilibot ko ang buong paningin ko sa loob ng condo niya. Nang bigla siyang magsalita.

"Tutal, maayos ka na naman, bago ka umuwi, tulungan mo nalang akong gumawa ng introduction para sa campaign natin bukas." Sagot niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang mga sinabi niya sa akin.

"Ha? Gagawin mo parin?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Nang-aasar na tanong niya sa akin.

"Akala ko, nagbackout ka na eh." Sagot ko sa kanya.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now