CHAPTER FIFTEEN

4 0 0
                                    

Tumingin sa akin si Liam pagkatapos niyang magkwento. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Inalis niya ulit yung tingin niya sa akin at tumingin sa paligid. Inalis ko din ang tingin ko sa kanya dahil nakaramdam ako ng pagkailang ng mga oras na iyon sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at ganun din siya. Tumahimik ang paligid ng ilang Segundo. Tumingala ako at tinignan ang mga bituin sa langit.

"Ang ganda talaga kapag maaliwalas ang kalangitan no?" Sabi ko sa kanya.

Tumingala si Lliam at pinagmasdan din ang mga bituin sa langit.

"Oo... isa din sa nagpapagaan ng loob ko ang mga bituin sa langit." Sagot niya sa akin.

"Kung pag bibigyan ka ng pagkakataong humiling at tuparin yung hiling na iyon? anong hihilingin mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga bituin.

Ilang Segundo siyang nag-isip bago niya sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Kung pagbibigyan man ako ng pagkakataong humiling... gusto kong umalis sa mundong ito. Gusto kong kalimutan lahat ng problema ko dito sa mundong ito... I want to forget the world... I want to escape out from this world full of toxic people full of loneliness... full of hatred..." Sagot sa akin ni Liam.

Napatingin ako sa kanya ng mga oras na sinabi niya sakin ang hiling niya. Ilang sandali lang, nagsalita ulit siya.

"And I wanna do it with my special someone..." Dagdag niya sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon, unti-unti siyang tumingin sa mga mata ko.

Napatulala ako sa kanya ng ilang Segundo... ilang sandali pa, ako naman ang tinanong niya.

"Ikaw? Anong hihilingin mo?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa mga bituin at pinagmasdan ang pagkislap nito.

"Ako... ang gusto ko lang, yung makapiling ko ulit... kahit sandali yung pamilya ko at sabihin sa kanila na miss na miss na miss ko na sila..." Sagot ko sa kanya.

Napansin kong tumingin siya sa akin.

"Gusto ko na ulit silang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanila na ma, pa, lola, pagod na po ako... pagod nap o akong mag-isa. Pagod nap o akong kayaning mag-isa." Dagdag ko sa kanya habang namumuo ang luha sa mga mata ko.

Ilang saglit lang... napatingin ako kay Liam at nakita kong nakatingin parin siya sa akin.

"Sorry, di ko lang mapigilang lumuha, nakakamiss naman kasi talaga sila... ikaw nga... nasa America lang ang mga magulang mo, may chance pa na makasama mo sila, ako wala na eh..." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano ko pa kakayanin. May tatlong taon pa ako sa college, tapos halos lahat pa ng estudyante sa school galit sa akin." Dagdag ko sa kanya.

Napalumbaba ako at tinakpan ang mukha ko. Ilang saglit lang nagsalita si Liam.

"Hindi ka naman nag-iisa... Nandito naman ako..." Sabi sa akin ni Liam.

Unti-unti akong tumingin sa kanya at biglang itinuloy niya ang sinasabi niya.

"Si... Carl... si Patricia, si Daniel, si Zoey, si Michael, nandito kaming lahat para suportahan ka at tulungan ka... Hindi ka nag-iisa Gab. Patuloy at patuloy na may magmamahal sayo. Kahit hindi mo alam." Sabi niya sa akin.

Unti-unti niya akong binigyan ng ngiti.

"Tama na ang iyak! Masyado na tayong madrama! Pumunta tayo dito para magrelax hindi para isipin lahat ng problema." Sabi niya sa akin.

Pinunasan ko ang mga mata ko at inayos na namin ang mga gamit at inilagay sa loob ng sasakyan. Pagkatapos naming magligpit, bumalik na kami sa bumper at umupo ulit. Ilang sandali lang, nakaramdam ako ng antok at nakatulog. Nagising nalang ako nang marinig kong tumutugtog ng gitara si Liam.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now