CHAPTER NINETEEN (The Colorful Chapter)

9 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lumipas ang ilang araw at nagsimula na kaming magprepare para sa gaganaping student night sa susunod na araw. February 9, papunta kami sa divisoria nina Pat, Carl at Daniel para bumili ng mga gamit para sa decorations na ipapangdesign namin sa event. Pagkatapos naming mag-ayos at magbihis ni Carl, dumeretso na agad kami sa baba dahil naghihintay sila Pat at Daniel sa labas.

Pagkalabas namin, agad na namin silang niyaya umalis pero pinigilan kami ni Pat dahil may hihintayin pa daw kami na sasama.

"Oh, ayan nap ala sila, tara na bili!" Sabi ni Daniel.

"Wait wait wait! Maghintay kayo! May hinihintay pa tayo!" Sabi ni Pat.

"Sino?" Tanong ni Carl kay Pat.

"Ay ayan na ayan na siya!" Sabi ni Pat. Agad kaming napalingon at nagulat sa nakita.

"Hi Liam!" Sabi ni Pat.

"Oh? Tara na?" dagdag ni Pat.

Napangiti ako nang makita si Liam at napangiti din siya sa akin ng makita niyang nakangiti ako sa kanya.

"Kasama pala itong si baby Liam! Di mo naman agad sinabi sa amin!" Sabi ni Daniel.

Habang nasa jeep kami, init na init ako sa loob dahil siksikan at halos walang hanging pumapasok sa loob. Katabi ko si Liam ng mga oras na iyon kaya napansin kong kinuha niya yung panyo niya sa bulsa at iniabot iyon sa akin.

"Oh, pawis na pawis ka na oh." Sabi ni Liam.

Napatingin ako asa panyo na inaabot sa akin ni Liam at sabay tingin sa taong nasa paligid ko. Napansin kong nakatingin sa amin sina Pat na parang inaabangan kung kukunin ko yung panyo o hindi.

Ilang saglit pa, unti-unti kong kinuha yung panyo at pinunas iyon sa leeg at noo ko.

"Salamat" Sabi ko kay Liam.

"You're always welcome." Sagot ni Liam sa akin.

Napansin kong nagtitinginan sila Pat, Carl at Daniel. Bigla akong tumalikod kay Liam at iniwasan siya.

Pagkadating namin sa divisoria, nag-ikot na kami para hanapin at bilhin ang mga kailangan naming gamit. Makalipas ang tatlong oras na paglilibot namin, nakabili na kami ng ilang mga gamit, pintura, cartolina, brush at iba pang design na nakikita namin. Bitbit ni Carl ang tatlong lata ng pintura at ako naman dalawang lata ng pintura at ilang mga decorations na nasa malaking plastic na nakasukbit sa balikat ko habang sila Pat at Daniel dala-dala yung mga cartolina at ibang gamit gaya ng glue gun, tapes, gunting atbp. Si Liam naman ang mag bitbit ng malalaking styro foam at karton at tatlong lata ng pintura. Ilang saglit lang, nakaramdam ako ng pangangalay sa bitbit kong lata ng pintura dahil halos malalaking lata ang bitbit ko maya-maya pa, biglang lumapit sa akin si Liam para tulungan ako sa dinadala ko.

"Ah, Gab, akin na yang pintura, ikaw styro, para magaang." Sabi ni Liam sa akin.

"Ha? Hindi okay lang, kaya ko naman." Sabi ko kay Liam.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now