CHAPTER 23

9.1K 80 30
                                    


PHILIPPINES. I miss this country! At isa na din dito ang rason ay si franco. I need to meet him. Simula ng mag break kami ay wala na akong kahit na anong communication sakanya but i know him. He's still love me because I'm his first and only his last.

Sobra ang sakit na naidulot ko sakanya noon dahil ganoon niya ako kamahal at ngayong nandito na ako si pilipinas ay gagawin ko ang lahat para maibalik siya sakin. From the very beginning, i know his mine. And I'm his.

Hindi ko alam kong paano ko siya mako-contact at sana may dumating na himala at makita ko siya dito. Napag-pasiyahan ko nalang na mag mall muna at bumili ng pagkain and stuff. Ako lang kasi ang mag isang umuwi dahil na e-excite na akong makita siya. Since wala naman akong dalang sasakyan ay magtataxi nalang ako kasama ang mga bagahe ko pero mag che-check-in muna ako sa hotel.

PAGKATAPOS kong mag check in ay pumunta ako ng mall para bumili. Sinuot ko ang aviator ko ng makababa ako ng taxi, hindi din naman ako na notice ni manong driver dahil parehas kaming naka aviator, ewan ko nga kung paano niya nakikita ang daan ng naka shade at sa loob pa ng sasakyan. Minsan na wi-wirdo-han na ako sa mga taxi driver.

Pagkababa ko ay inayos ko ang buhok kong medyo na gulo at naglakad. Sana naman hindi ako makilala dito, ayaw kong pagkaguluhan ng mga tao dito lalo na at tanyag ang pangalan ko dito sa pilipinas, kahit saan naman ata ako pumunta.

Habang naglalakad ako ay kita sa peripheral visio kong nakatingin ang mga tao sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa isang magandang dilag na naglalakad sa harap niyo? Ako lang yon. Isang Keevah Laurel lang.

'Si keevah yon diba?!'

'OWEMGEE! Nanaginip ba ako?'

'Ang ganda ganda niya! Sheyt!'

'Hala nandito si keevah laurel?'

'Napaka ganda niya talaga! No wonder pag pipiyestahan ng mga tao pagnakita nila siya!'

'Sorry guys, I'm taken'

Gusto kong isigaw yun sakanila ng malaman nilang pag aari na ako ng iba pero sino nga ba ang hindi magkakagusto sa akin. Like haler? Isang model? Naglalakad sa mall ng mag isa ng walang bodyguard? Tsk tsk tsk.

'I need to see Franco'

Pumasok ako sa isang mamahaling resto at nag order. Nakatingin parin yung iba, yung iba naman kinukunan ako ng litrato, tiyak na ako na naman ang laman ng balita nito.

Saktong paglabas ko ay biglang nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad.

Manager Willa Calling...

"Keevah laurel speaking"

"Evah i saw the news, ikaw lang naman ang laman ng news ngayon and by the way, why are you they're? Bakit ka nag mall ng mag isa? Baka mapahamak ka sa ginagawa mo niyan, alam mo naman ang mga tao ngayon at wala kapang bodyguard. Bakit kasi ayaw mong hintayin ang pag uwi namin at saka sinabi ko naman sayo na kapag may kailangan ka ay tawagan mo si Luz ng siya na ang bahala sa lahat? Hindi ka pwedeng lumabas ng hotel gayong sunday dahil alam mong pag pipiyestahan ka ng mga tao"

Isang napaka napaka habang speech na naman.

"Yeah. Yeah. I know"

"Mag iingat ka riyan at bumalik kana ng hotel room mo, tatawagan ko si luz na bilhin lahat ng gusto mo, understood evah?"

"Yeah. Thanks"

Siya na ang pumutol ng linya. Hindi ako nakinig. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa akin.

"Ms. Keevah laurel!" Tawag ng isnag dalaga. Nilingon ko siya at nakita ko siyang kumakaway sa akin.

Lumapit siya sa akin at ngumiti.."Pwedeng magpa picture?" Nakangiting tanong niya.

"Yeah sure" nagpicture kaming dalawa at maya maya pa ay umalis rin siya. Tiyak na mahabang speech na naman ito. Malamang i-po-post nun.

"Si Ms. Keevah laurel!"

"Tara magpapicture tayo!"

"Swerte natin! Wala siyang kasama!"

"Waaaaah! Ang ganda niya!"

Halos maiyak na sila sa ganda ko. Kulang nalang lumuhod sila sa harapan ko. Tinawag ko ang malapit na guard at nanghingi ng tulong. Pero sa sobrang gulat niya ay hindi siya naka galaw. Nakanganga lang siya sa harapan ko kaya nagkaroon ng chance ang mga tao na magpapicture. Panay iwas ko sa mga flash ng camera nila. May mga lumapit ding mga guards at tinulungan nila ako para hindi madumog mg mga tao.

'Thank god!'

"Keevah?" Napako ako sa tinatayuan ko ng marinig ang napaka pamilyar na boses na iyon. Kahit ilang taon na ang lumipas pero saulo ko pa ang lahat tungkol sakanya.

"Franco..what a coincidence.." I smiled to him. Nag bago na siya, seryoso siya at mas lalong gumwapo. Mas lalo siyang tumangkad ay lalong gumanda ang katawan niya.

"Hahanapin sana kita pero nandito ka naman na...why don't you join me?" Ngumiti ako sakanya pero siya naman ay napaka seryoso niya.

"Sorry pero may hinahanap ako" sagot niya. Ginala pa nito ang paningin para hanapin ang hinahanap niya. "A girl?" Tanong ko. It's hurts me.

"Yes. Ilang weeks na kaming hindi nagkikita...uhmm i need to go" akmang aalis na siya pero hinawakan ko siya.

"Stop finding her and just join me...please?" Nag puppy eyes pa ako sakanya para lang mapapayag siya. Nagbago na talaga siya.

"But i need to see jonah!" He hissed. Nagulat ako don pero ng nakarecover ay binitawan ko ang kamay niya.

"Kakauwi ko lang tapos eto na gad ang welcome mo sakin? You know what franco..i still love you"

"I don't care...you leave.." mahinang anito.

"Just join me, please? Promise i won't bother you anymore" it hurts. Knowing that he doesn't love me anymore. I will never that happen. Ever! Kukunin ko ang ano mang dapat ay nasa akin.

"Okay" tipid na sagot nito at naunang umalis. Pumasok sya sa isang restaurant at umorder, ginaya ko rin siya. Tahimik lang kaming kumakain at ayoko nito. Ayokong may iniisip siya maliban sakin.

"Franco?" Inagaw ko ang atensyon niya.

"Hmmm?" He ask

"May naging girlfriend kana ba?"

"Why are you asking?"

"What's the matter with that?"

"Shut up and eat!" He hissed again.

Napapatingin na ang mga tao sa akin dahil sa pangungulit ko. I hate that jonah! URGH! Noon tuwing magkasama kami ni franco ay ako lang ang bukambibig niya. Wala ng iba!

"Sino si jonah?" Hindi ko na talaga mapigilan ang magtanong sa babaeng yun.

"Why do you care?" Walang ganang sagot nito.

Tumahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay yaya-yain ko siyang mag shopping para nawala sa isipan nia ang jonah'ng yan.

"Shopping tayo?" I ask.

"No. I have to go" umalis na ito kaya hindi ko napigilan. Gustong gusto kong durugin ang pagkatao ng jonah na yun! I hate her! Mang-aagaw!

Tinawagan ko si luz para siya nalang ang bumili ng mga kakailanganin ko. Nagpahatid ako sa taxi sa hotel na tinutuluyan ko pagkarating ko doon ay agad akong humiga at inisip kung ano man nag ginagawa ni franco a jonah kung magkita man sila.

I swear! I'm gonna kill that biatch! For taking away my franco!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagkainis kay jonah. Bukas na bukas ay ipapahanap ko ang babaeng yan. I want her to feel how hurt it is to take away someone special to you.

Endangered LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon