"Sa bahay kana kaya matulog, hindi alam ni mom and dad na uuwi ka kaya paniguradong magugulat sila" sabi ko kay eveleen ng makalabas kami ng resto."Pwede rin pero iiwan ko muna yung gamit ko sa bahay" Sabi nito habang nilalagay sa compartment ng sasakyan niya ang malaking maleta.
ANG KAIBIGAN na niya ang nagmaneho dahil Ito narin ang nagpresinta, kahit hindi gusto ni jonah dahil alam niyang may jetlag ito pero si eveleen yan eh, hindi mo mapipilit sa isang bagay na hi-nin-dian niya.
Habang nasa biyahe sila ay sobrang tahimik pero agad din naman iyong binasag ni Evangeline.
"Umuwi naba yung pinsang mong si Dustin?" Binalingan niya ng tingin ang kaibigan at binigyan ng nanunuksong tingin.
"Ikaw ha! Hinahanap mo na pala si kuya dustin ngayon? Luma-love life kana ah!" Nang aasar na sabi nito habang sinusundot sundot ang tagiliran ng kaibigan.
"Jonah!--Pffftt hahaha--- ano ba!--haha--mababangga tayo!" Tinigilan na rin ni jonah ang kakasundot sakanya.
"Ayeeeeee! Bakit hindi mo sinabi noon na gusto mo pala si kuya dustin?" Nang aasar na tanong ni jonah. Gustong gusto talaga niyang asarin si eveleen kasi madaling mapikon yan tapos tuwing napipikon, namumula yung tenga at ilong.
"Jonaaaaaaah! H-Hindi ko s-siya gusto!" Inis na sigaw nito pero nauutal. Tawa naman ng tawa si jonah sa reaksyion niya.
"Alam mo leen, kung gusto mo siya huwag kang mahiya! Gusto mo ako pa ang maging tulay para sa inyong dalawa? Walang girlfriend yun!" Dagdag pa nito.
"Nagtatanong lang naman ako! Hindi ko siya g-gusto!" Nauutal na sabi niya.
"Ikaw na babae ka! Huwag ako ang pinagloloko mo! Hindi moko maloloko at kita naman sa reaksyon mo na gusto mo siya! Ayeeee lumalovelife ma si ateeeeeng!" Panunukso pa niya.
Namumula na ang tenga at ilong ni Evangeline pero hindi parin tumigil si jonah sa kaka asar, nasasarapan siya sa kaka asar eh.
"A-ano? H-hindi ah! A-ano bang p-pinag s-sasabi mo?" Hindi parin ito makatingin sakanya pero namumula siya ng todo.
"Ayan oh! Namumula kana! Nag ba-blush siya! Ayeeee! Huwag kanang mahiya! Parang hindi tayo magkaibigan ah!"
Hinampas ni Evangeline ang balikat ni jonah kaya napa aray naman ang kaibigan.
"Ikaw ha! Tumigil kana! Baka gusto mong sabihin ko kay franco na pinag nanasahan mo siya noong nasa canada ka palang? Ha!" Nang hahamon na tanong nito. Natigilan naman siya ng marinig ang pangalang franco.
"Bakit naman siya napunta sa usapan na 'to? Ikaw lang naman at si kuya dustin! Huwag mo nga siyang ipasok sa usapan!" Naiinis na sabi niya. This time siya naman ang naiinis at napipikon.
"Oh kita mo na?! Pikon ka rin eh! Inaasar mo ko kasi!" Sabi pa nito.
"Tss whatever! Basta sasabihin ko kay kuya na gusto mo siya!" Pang aasar niya ulit.
"Edi sabihin mo, hindi ako natatakot" confident na sabi nito.
"Kahit ngayon na?" Gulat na tanong niya.
"Sure, why not"
Nag iisip si jonah kung bakit nagkakaganon ang kaibigan niya. Baka sobrang obsessed lang kay kuya dustin.
"So? Nasaan na si dustin?" Maya maya'y tanong ni Evangeline.
"Umuwi muna sa states, may aasikasuhin pero babalik din yun kasi may summer vacation pang magaganap" Simpleng sabi nito. Naalala niya ang sinabi ng mga pinsan niya tungkol sa beach na pupuntahan nila. She feels so excited.
BINABASA MO ANG
Endangered Lust
RomanceFirst time having a SEX? Especially to the man you want to have with. Yung tipong siya ang gusto mong maka kuha ng virginity mo? You want to give it to him without regrets at Walang pagsisisi. Aalis ng bahay na virgin pa, at uuwi ng hindi na? So unb...