CHAPTER 29

4.3K 72 1
                                    


ISANG tawag ang natanggap ko galing sa isang unknown number. Nag-aalinlangan pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sa akin gamit ang unknown number. Out of curiosity, I tap the answer button.

"Hello?" Tawag pansin ko sa kabilang linya, sa una ay walang sumagot, kalaunan ay may narinig akong suminghap.

"Is this Jonaiah Veronique Alonzo?" Wika ng nasa kabilang linya. Babae siya at hindi ko pa iyon naririnig.

"Yes. Who is this?" Tanong ko naman.

Sandali siyang natahimik. Akala ko nawala na siya sa kabilang linya pero agad din naman siyang nagsalita.

"Pwede ba tayong mag usap? Just an Hour or Two. I have something to ask you. I'm Keevah Laurel, By the way. Siguro kilala mo na ako." May pagmamayabang sa boses nito. Bigla nalang tumaas ang kilay ko sa kayabangan niya.

"Pronto. I'll give you the address." Tapos ay pinatay niya pero may iniwan siyang message sa akin kung saan sa isang restaurant kami magkikita.

Of course i know her, palagi kong nakikita ang mukha niya sa tv. And she's Franco's Ex. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Kahit wala akong ka idea kung ano ang pag uusapan namin ay kinonsente ko ang sarili kong pumunta sa address ng restaurant.

Isinuot ko ang isang Maxi style Floral dress na binili ko sa U.S. at pinaresan ng flats. Inilugay ko lang ang curly kung buhok, naglagay din ako ng light make up at inilagay ko ang binili ko noong nakaraang araw ang bago kung sling bag at lumabas ng bahay bitbit ang aviator ko.

"Ipagmamaneho po ba kita ma'am?" Salubong sa akin ng isa sa mga driver namin.

Suot ang aviator, sinagot ko siya. "Yes, manong." Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa back seat at sinabi ko sakanya kung saang restaurant niya ako hinatid. Wala pang sampung minuto ay nakarating na ako sa restaurant na sabi ni keevah.

Napapatingin ang mga taong nakakasalubong ko habang papasok sa resto. Nakita ko agad kung nasaan banda si keevah. Lumapit ako sakanya at umupo sa upuang nasa harapan niya.

"I'm glad you came." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako at hindi inabalang hubarin ang aviator na suot.

"Nice to meet you Ms. Veronique." Nakangiting wika nito. Nanibago ako sa tinawag niya sa akin. Kadalasang tawag sa akin ay jonah o di kaya ay jonaiah.

"Me too Ms. Laurel." Kaswal na sabi ko.

"Order muna tayo." Pagkasabi niyon ay may lumapit na waiter sa amin, Madali lang akong naka pili dahil lahat naman ng nandiyan sa menu ay alam ko. Ibinalik ko ang menu sa waiter pero si keevah ay patuloy parin sa pagpipili, ng marealize niyang naka pili na ako ay mabilis niyang sinabi ang order sa waiter.

Umalis ang waiter ng magsalita siya. "Iba talaga kapag lumaki sa karangyaan." Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.

"Ako kasi lumaki sa kahirapan, highschool ako ng magsimula akong pumasok sa modeling hanggang ngayon, ayaw kong iwan ang career ko as a model." Hindi ako umimik hanggang sa natapos siya.

"Hanggang sa nagkakilala kami ni franco noong college. He's Possesive on me. Ayaw niyang mawalay ako sakanya, lahat ay gagawin niya manatili lang ako sa tabi niya. "Bahagya siyang huminto sa pagsalita. "I love him, and he loves me back. Iyon ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Palagi niya akong sini-spoil, araw araw niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal." Natigil lang siya sa pagsalita ng dumating na ang order namin.

Hanggang nagyon ay hindi parin ako makapag salita. May nagbabara sa lalamunan ko at konti nalang, lalabas na ang kanina ko pang pinipigilan.

She's franco's first love. Siya ang kauna unahang babaeng bumihag sa puso ni franco.

Endangered LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon