PROLOUGE

285 37 31
                                    

3:00 am

Hanggang ngayun di padin ako makatulog, alas tres na ng madaling araw at mulat na mulat padin ang aking mga mata.

Bwisit kasing Insomnia to eh pag kase talagang inantok ako kailangan sobrang himbing para hindi ako magising o maaalimpungatan, or else ayun parang bula na bigla nalang mawawala yung antok ko.

I just focus myself sa movie na pinapanood ko at umayos ako ng upo, hanggang sa may nag pop up na message na galing sa kaibigan kung si Faith.

I open it. Isang link mula sa isang sikat na dating app ang nilalaman ng message nya.

"Try mo yan mas madami daw hunks dyan eh, baka dyan mo na makita ka blind date mo soon, enjoy! Thanks me later!"

Dagdag pa ni Faith.

Dahil isa ako sa mga babaeng umaasang magkajowa sa mga dating apps, dali dali kung binuksan ang link at ininstall ang app na sinend nya sakin.

Ang interesting nung app at ang minimal lang ng design na ginamit nung inventor, gumawa ako agad ng profile ko at nagsimula ng gamitin ito. Hindi naman ako nahirapan sa pag gamit nito dahil swipe up lang pag ayaw mo at swipe down pag gusto mo yung tao.

Nagulat ako ng may mag notif agad sakin at sinasabing may naka match daw ako.

Bigla namang nagchat sakin yung taong nakamatch ko.

"Hi!"

Magrereply na sana ako ng bumukas ang pinto ng aking silid.

Iniluwal nun si Mama.

"Diba sabi ko matulog kana, bakit gising ka pa din? May pasok ka pa bukas. Tama na yan matulog kana, maaga ka pa bukas"

Mahinahon lang ang kanyang mga salita pero madidiin ang mga ito.

Pahiga na ako sa kama ng may mag message nanaman sakin.

Galing ang message sa isang unknown na tao, may picture syang sinend at lumabas dito ang muka ng kaibigan ko.

Halos maihagis at masuka ako sa nakita sa cellphone ko. Picture yun ni Faith at halos hindi na makilala ang kanyang muka dahil sa dugong umaagos mula sa ulo nya.

Naliligo na ang kanyang buong katawan sa sarili nyang dugo. May nakasaksak pang kutsilyo sa kanyang tyan pati na din sa kanyang leeg. Labas din ang kanyang isang mata na halos ikasuka ng aking kalamnan, at parang tinangka pang balatan ang kanyang mga braso at binti dahil kita na ang laman nun. May mga maliliit ding pako na ipinukpok sa kanyang daliri at pati na din sa mga daliri ng kanyang paa.

Napahagulgol ako ng iyak dahil sa nakita kung pangyayare sa kaibigan ko, hindi ko inakalang ang kanina lang na kausap ko ay biglang nagka-ganun.

"Faith, a-anong nangyare sayo?"

Tanong ko na umaasang masasagot ang sinabi ko.

Nagmadali akong nag-ayos at bumaba para sabihin kay Mama ang nangyari, ngunit di pa man ako nakakalabas ng aking silid mayroon nanaman akong natanggap na mensahe.

Can we meet soon? Im excited to see you

Natigilan ako at hindi nakalagaw sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung sino yun at wala ding pangalan na nakalagay sa sender.

Nanghina ang mga tuhod ko at bigla nalang ako napaupo sa lapag, ilang minuto din akong ganun pero sa huli pinigilan ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto ko at bumaba.

Napatigil ako ng may makita akong bulaklak sa may mesa, may note itong kasama.

Take this flower so you could always remember me

Parang nanikip ang puso ko, at bigla nalang ako nakaramdam ng matulis na bagay na unti-unting tumutusok sa tagiliran ko. Ipinihit ko ang ulo ko para makita sya pero di ko maaninag ang muka nya dahil sa dilim ng bahay namin at tanging ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag.

"B-bakit mo to g-ginagawa?"

Tanong ko sa kanya na di padin hinahatak sa tagiliran ko ang kutsilyong isinaksak nya.

"Morietur"

Huling katagan nya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon