Lory's POV:
Sa wakas! Break day na din!
Haaaaayyyyy, ang tagal kong inantay 'to! At sa wakas pwede na din ako mag review dahil na din ilang weeks nalang ay exam nanamin.
Humiga ako sa kama ko at pumikit, dinadama ang kaginhawaan.
Wala ang mga kaibigan ko dahil meron silang mga sari-sariling excuse.
Si Chloe may practice ng sayaw dahil mag pe-perform sila sa pag announce ng Queen and King. Si Yuri naman may lakad daw sila ng 'yaku' nya ngayun. Di maganda ang kutob ko sa 'yaku' feel ko lalaki yun, palusot lang HAHAHAHA
Si Violet at Harold may date.
Hmp! Lalandi, di nalang mag review.
Si Faye naman umuwi na muna sa kanila sa probinsya, medyo matagal daw syang mawawala dahil na din nagkasakit ang lola nya. Kaya nagpadala ako ng makakain para sa lola nya, sana gumaling na agad ang lola nya.
Sinabihan ko silang mag ingat lalo na sa mga nangyayari ngayun, at saka hanggang ngayun hindi ko padin sila nasasabihan about sa nalaman ko.
So eto ako ngayun, nagiisa sa dorm. Gusto ko din sanang dalawin sila Mama, kaso need ko na mag review ngayun dahil na din magagahol ako sa oras.
Bumangon ako at umupo sa kama. Kailangan ko na magsimula, ihahanda ko na sana ang mga kailangan ko ng biglang kumalam ang tyan ko.
"Ano ba yan." Sabi ko at hinawakan ang tyan ko.
Kaya naman pumunta na ako sa may ref para tumingin ng pwedeng kainin, kaso...
"Bakit puro tubig ang laman nito?"
Napaisip ako. Wala namang mahilig o palaging may kailangan samin ng tubig.
Napailing ako sa inis dahil wala akong napala.
Ano ba yan nagugutom na ako.
Nakahawak ako sa tyan ko na bumalik sa kama. Hindi ako makaka pag focus nito kapag hindi ako kumain.
Bawal naman mag pa deliver dahil nasa dorm kami. Tinatamad naman ako lumabas para bumili dahil malayo din ang tindahan dito.
Bigla namang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Aldrich.
Bakit kaya?
Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tawag nya o ano. Napa rolled eye ako dahil alam kung baka may iutos nanaman sya, ganito ba talaga pag vice president? Inuutos utusan?
Dinedma ko ang tawag nya at bumusangot ang mukha ko.
"Nagugutom ako Aldrich kaya kung uutusan mo lang ako, i end mo na yang call." Sabi ko kahit na di naman nya ako naririnig.
Nawala ang tawag, huminga ako ng malalim.
Sa wakas.
Tumayo ako para kunin ang wallet ko sa sling bag ko, nakapag desisyon na ako na bumaba nalang at maghanap ng makakain. Nang makapag ayos ako bigla namang kumatok.
Binuksan ko naman yun dahil baka si Chloe yun o ang iba kung mga kaibigan.
Pero nagkamali ako.
"Wow. Nag-ayos ka ba para sakin?"
Ganun nalang ang gulat ko ng makita si Travis.
"H-hindi ah, a-anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko alam bat ako nauutal siguro dahil nagulat ako sa presensya nya.
"Amm ano kase gusto sana kitang yayain kumain kung okay lang?"

BINABASA MO ANG
Blind Date
Mystery / Thriller"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020