CHAPTER 14

58 21 23
                                    

Lory's POV:

Nasa bahay na kami nila Yuri. Pumayag naman daw yung kuya nya after nyang mag pa alam na dito nalang kami gumawa ng report.

Pinagmasdan ko ang bahay. Malaki ito kumpara sa bahay namin, at kung si Yuri at ang kuya nya lang ang nakatira dito, this is really huge from them.

"Nandito na kami sa bahay, asan kana ba?"

I heard someone voice sa may kusina. It's Yuri.

"Wala naman."

I think she's talking with her brother.

"Just make sure na mabilis ka lang dyan ah, I want you to meet my friends."

Ayoko sanang pakinggan yung usapan nila pero di ko alam kung bakit di ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Bye yaku! Ingat ka."

She said and ended the call. Paalabas na sya ng kusina kaya naman nagpanggap akong nagtitingin ng decorations.

Nakaupo sa sofa ang iba naming ka grupo. Si Violet naman naglilibot libot.

"Wow, di ko akalain na ang laki pala ng bahay nyo." Ani nya.

"Wow! Ikaw to? Ang cute naman." Dagdag nya pa sa litratong nakita nya.

"Yeah. It's me." Sabi ni Yuri at lumapit kay Violet.

"So... where's you're kuya na? I wanna meet him." Violet said.

Kahit kelan talaga

"He's busy with something pa daw eh, pero dadating din sya."

Tumango tango nalang si Violet at nag titingin pa ng mga old pictures nila.

Something caught my attention, It's a old pic of a boy.

Siya siguro yung Kuya ni Yuri. Kinuha ko yun at tinitigan.

"Gwapo nya noh HAHAHAHA"

"Ginulat mo naman ako." Muntik ko ng mabitawan yung picture frame, dahil kay Yuri.

"Sorry HAHAHAHAHA"

"Hoy Yuri! Wala ka bang panulak dyan" Biglang sigaw ni Benjamin.

Kumuha naman ng tubig si Yuri pero nung nakita yun ni Benj, tumawa naman 'to.

Sabi ko na eh

"Ano ka ba HAHAHAHAHA hindi tubig ang hinihingi ko." Napa taas naman si Yuri ng kilay.

"You never drink before noh?" Cashmere asked.

"Nuhh, I'm not." Yuri answered.

I was right, they want alcohol.

"Hoy! Nandito tayo para gumawa ng report at hindi para uminom." Biglang gitna ni Violet.

"Mag simula na tayo hanggang maaga pa." Si Lexus.

Bumilog na kami sa may living room nila Yuri, at sa gitna ang pagkain namin pati na din ang mga materyales na kailangan namin. Nilabas ko na ang gamit ko sa bag ko pati na din ang laptop ko, ganun din naman ang iba. Naglabas na din sila ng libro.

"Kung need natin ng pictures, don't worry may printer kami sa taas." Yuri said.

Um-oo naman sila Cashmere, Lexus at Benj.

Tumingin ako sa katabi kong si Violet, nagulat ako ng nag ce-cellphone sya at hagikhik ng hagikhik.

"Hoy, anong ginagawa mo?"

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon