CHAPTER 02

112 35 29
                                    

Lory's POV:

Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata, kahit medyo malabo nakita ko ang nag-aalalang muka ni Chloe.

"Omg! Lory, gising kana! Thank God!" Maiyak iyak na sabi nito at niyakap ako. Ganun din ang ginawa nila Yuri, Faye at Violet.

"Ano bang nangyari sayo? Nung umalis ka di kana bumalik, tapos malalaman namin nandito ka na sa clinic" Sabi ni Faye.

"Nag-alala kami ng sobra girl! Akala namin wala kana" Sabi ni Violet at nag sad face pa sa harap ko.

"Di pwedeng mawala ako kase ikaw daw muna ang mauuna." Malamlam na sagot ko at tumawa naman sila sa sinabi ko.

"Nagkaganyan kana nga lahat maldita padin yang ugali mo." Sabi nya ulit at naghalukipkip.

"Well, we'll know Lory kahit na seryosong usapan na nanggagago padin." Sabi naman ni Yuri.

"'Di naman slight lang." Sagot ko na ikinitaray nya.

"Pero seryoso na kase bakit ka ba nahilo? At sinong yung babaeng niligtas mo?" Singit ni Harold na kasama pala nila. Hindi ko kase napansin ang presensya nya dahil nakaupo pala sya sa may waiting chair ng clinic, medyo mataas kase ang kama na hinihigaan ko.

"Di ko sya kilala, nakita ko lang syang duguan kanina tapos ayun nagpatulong ako sa guard, tas dinala sya dito." Sagot ko sa mga tanong nila kanina pa, pero mukang di pa sila kumbinsi sa sinabi ko.

"Isa sya sa section ng Class E-2" Si Yuri.

"Kilala mo naman pala tinanong nyo pa sakin kung sino." Sarcastic na sagot ko na kinainis ng muka nya.

"Di naman talaga namin sya kilala nalaman lang namin yung section nya dahil sa id nya." Si Faye.

"Nagkalat na nga ang balita na yun sa buong campus e." Si Harold. "Grabe ang bilis na talaga kumalat ng chismis ngayun. May pakpak talaga ang balita" Dagdag nya pa.

"Ganun talaga kapag mga chismosa at puro pangingielam ng buhay ng iba ang inaatupag." Sabi ni Violet.

"Sobrang lalim daw ng tinamong sugat nung babae. Kaya di sya nagamot ni Nurse Kay. Wala naman dito si Doktora para gumamot." Si Chloe.

"At saka nagpa imbestiga na din sa nangyari ang headmistress." Si Faye.

"Pero grabe talaga yung pangyayaring yun, sino kaya ang may gawa nung ganung klaseng bagay? Saka bakit? Anong intensyon nya?" Si Yuri.

"Baka may kasalanan yung babae." Si Violet.

"Pero buti nalang di ka nadamay Lory." Si Faye at hinawakan pa ang kamay ko.

Matagal ata akong nakatulog dahil sobrang dami na agad ang nangyari sa campus. Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa ko kanina bago ako mahilo at iihiga dito sa clinic bed.

Matagal ata akong nakatulala kase bigla ko nalang namalayan na inaalog alog na pala ni Yuri yung balikat ko.

"Ano na! Nakatulala kana dyan, nakikinig kaba sa sinasabi namin?" Tanong nya.

"Sorry, come again?" Tanong ko na kina face palm nya.

"Sabi namin sayang di mo narinig yung sinabi kanina sa auditorium, madaming ganap this year!" Nagtatalon-talon pang sabi ni Yuri.

"Magkakaroon ng mga competitions ang bawat club pero wala pa silang mga specific na ipapagawa, tapos daw may mga clash of brains, to know kung sino daw pwedeng ilaban ng school sa iba pang school, tapos meron din your musical battle, kahit na anong bands or mga soloist and duo daw pwede sumali. Tapos magbubukas na din daw ng kitchen sa 5th floor! Para sa mga gusto / trainees sa pagluluto. Tapos yung new sets of school committee daw, mag start na daw next week ang mga tatanggapin nilang sasali." Sa haba ng sinabi ni Violet parang gusto ko nalang matulog ulit kase lalong sumakit ang ulo ko sa mga sinabi nya.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon