CHAPTER 25

17 5 1
                                    

Aldrich POV:

"Morietur! Morietur!" Morietur!"

Kitang kita ko sa mula sa baba ang mga tao na nagkakagulo, nasa abandonadong bahay ako kung saan ko sila tinitignan meron din silang sinisigaw na kakaibang lenggwahe. Nakabilog sila, at tila may bagay sa kanilang gitna.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila, at kung ano ang sinasabi nila.

Napatingin ako sa balkonahe ng isang bahay na malapit sa kung saan nila ito ginagawa. Nakamaskara ang mga ito, pero mas napukaw ng atensyon ko ang lalaking nakaupo sa magarang upuan.

Anong nangyayari sa mga mamamayan ng Ilaria?

"Tulong! Tulungan nyo ko!"

Paalis na sana ako ng marinig ko ang boses na yun.

"Isay."

Napalingon ako.

"T-tulong! Pakiusap wag nyo 'tong gawin!"

Hindi ako nagkakamali at alam kung si Isay yun.

"Isay!" Sigaw ko na alam kung maririnig ng lahat.

Tumakbo ako pababa pero di pa man ako nakakaabot sa hagdan ay biglang sumulpot sa harapan ko ang kaibigan ko.

Hingal na hingal to na itinapat ang kamay nya sakin, saka umiling.

"Hindi, ililigtas ko sya." Pagmamatigas ko pero mas lalo nya akong hinarangan.

"Wala kang magagawa Ali, papatayin kalang din nila."

Hindi ko sya pinansin ang dumiretso na pababa.

Narinig ko ang pagtawag nya, pero di ako bumalik.

Ililigtas kita Isay, ililigtas kita!

Nakarating ako sa baba at nakita ko sya.

Hinarang ako ng mga tao pero nagpupumiglas akong makalapit.

"Isay!"

"...A-Al...Ali..."

Nanghihina na sya dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanya.

Nalabanan ko ang mga mamamayan ng Ilaria, at ng makarating ako sa pwesto nya kung saan puro babae ang nakapalibot dito, ay bigla naman syang nawalan ng malay.

"ISAAAAAAAYYYY!!!"

"Yaku! Yaku gumising ka! Yaku!"

Napabalikwas ako dahil sa nangyari.

Napatingin ako sa paligid nasa kwarto ko ako.

"Okay kalang? Nanaginip ka."

Panaginip lang.

Napahawal ako sa sentido ko. At huminga ng malalim.

"Eto tubig oh, uminom ka na muna."

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon