CHAPTER 21

35 9 0
                                    

Nagising si Cashmere sa isang madilim na kwarto. Hindi na ito ang kanilang tahanan kaya nawari nyang nasa ibang lugar sya.

Napadaing sya dahil sa sakit ng kanyang ulo. Dahil iyon sa kagagawan ng lalaking pumukmok sa kanya kanina. Hindi sya nakatali, malaya syang makakagalaw sa kwarto na kinalalagyan nya.

Napahawak sya sa kanyang ulo dahil sa sakit nito.

Inalala nya ang dahilan nun, ay kung paano sya napunta sa silid na kinaroroonan nya.

Tumayo sya mula sa pagkakahiga nya. Hindi masakit ang mga katawan nya, pero dama naman nya ang bigat at hirap dun.

Nilibot nya ang kwarto, nakita nya na may nag iisang kama lang dito. Meron ding maalikabok na kabinet, na halatang napaglumaan ng panahon. May kinakalawang na bintana sa gilid at ilaw sa kisame na nagsisilbing liwang ng kwarto, ngunit pundido narin iyon.

Walang kalaman laman ito, tanging yun lamang ang makikita sa loob. Halatang napag iwanan na ng pahanon ang lugar, kaya naman natatakot si Cashmere para sa sarili nya. Madami ding alikabok sa bawat sulok nito may mga sapot pa nga ng gagamba sa taas ng kisame.

Lumapit si Cashmere sa pintuan ng kwarto at pinihit ang doorknob nito.

Ngunit bigo sya, sapagkat naka lock ang pintuan.

Pinihit nya ng paulit ulit ang pinto at nagkakatok dito.

"Palabasin nyo ko! Buksan nyo to!"

Pagmamakaawa nya.

"Buksan nyo to! Tao! May tao ba dyan?! Palabasin nyo ko please!"

Pinilit nyang buksan ito kahit hindi nya magawa, sinipa at kinatok nya pa 'to ng malakas.

"PALABASIN NYO KO! ILABAS NYO KO DITO!" Mas lumakas pa ang boses ng dalaga.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha nya, kaya naman nangangatal na din ang mga kamay nya sa pagpalo sa pinto.

Humikbi ito at lumalim ang paghinga.

Napagod sya at nagpadausdos para mapaupo. Umiiyak sya habang nakasandal sa likod ng pintuan. Hikbi lang ang maririnig sa buong kwarto. Mabilis ang kabog ng puso nya, na parang kakawala na 'to dahil sa kanyang nararamdaman.

Yumuko sya at nagdasal.

"Lord? Please, kailangan ko po ngayun....Tulungan nyo ko..."

At sa araw na 'to ngayun nalang ulit sya humingi ng tulong sa nakatataas.

"Asking for help huh."

Napatingin sya sa pinanggagalingan ng nagsalita.

Lumabas mula sa isang maalikabot na kabinet ang lalaki.

Eto ang lalaking kaninang kasama nya.

"Bakit? Bakit mo to ginagawa?"

Matapang na sagot ni Cashmere.

Hindi sya nagpakita ng kahit anong kahinaan sa lalaki, bagkus mas nagpakatapang sya sa harap nito.

"Bakit mo to ginagawa?! Sumagot ka!"

Imbes na sagutin sya nito ay tinawanan lamang sya ng lalaki.

"PUTANGINAMO!"

Ngumisi ang lalaki.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Puno ng galit ang tono ng boses nya.

"Isa ang pamilya mo sa mayayamang malalapit kay Don G. Na sya ding tumulong sayo para makapag aral ng elementarya at highschool, at hanggang kolehiyo ay pagaaralin ka parin. Isa kayo sa mga tapat, at totoong kaibigan nya, na kung saan alam nyo lahat ang nagiging galaw at plano nya."

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon