Lory's POV:
Dalawang araw nalang at exam nanamin. Nakapag review naman na ako kahit papano pero sa Math at AP di pa ako nakakapag review, masyado kaseng busy sa club namin at sa students committee.
Pangatlong araw ko na ngang nakatambay ako dito sa faculty, dahil mamaya na ang start ng program for King & Queen ng Ilaria.
Ang ingay na sa labas at sa field. Pati na rin sa court at sa stage, open day din kase ng Ilaria kaya yung ibang nasa campus karamihan ay mga parents, kaibigan o kakilala ng mga studyante. Pero isa o dalawang tao lang dapat ang ipasok sa loob.
Ang daming taong dumalo ngayun, may mga bands din daw kaseng tutugtog, mga games sa field, kainan at kung ano ano pa. Meron ding acting show at fashion club, sasayaw din ang dance club which is makikita ko si Chloe sa stage mamaya.
Speaking of Chloe, tatlong araw ko na din di nakikita ang mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Ano kayang pinagkaabalahan nila nung mga araw na wala ako? Hindi ko pa nga din nasasabi yung tungkol sa nalaman ko sa killer, hindi ko pa sila nababalaan.
Wala akong balita kay Faye mula nung umuwi sya sa lola nya. Wala din akong balita kay Violet, di ko din sya nakitang online sa facebook o kahit sa anong social media acc nya. Hindi ko din nakikita si Harold sa campus, ano kayang nangyari?
Even Yuri, di pa din kase ako nakakapasok sa klase ko. Kaya di ko sila nakikita. Nagchachat din ako sa gc pero 'till now walang nagsi-seen.
I wonder kung kamusta sila, wala man lang mga paramdam.
Palabas na ako ng faculty, sakto at nakatanggap ako ng tawag kay Maam Trisha, pinapapunta na nya ako sa stage para naman sa decorations.
Paglabas ko ng faculty nakita ko sa dulo ng hallway si Aldrich.
May kausap syang babae, naka suot sya ng pang college uniform ng Ilaria. Mag kaklase siguro sila ni Aldrich, o kaya baka naman isa yun sa mga babaeng nagkakadarapaan sa kanya sa pagkakaalam ko kase kahit sa college building ay pinagkakaguluhan sya.
"Sige na please!"
Narinig kung sabi ng babae. Medyo lumalakas na kase ang usapan nila dahil na din nag eecho ang boses nya.
Hinawakan nya ang dalawang kamay si Aldrich at nilagay sa mukha nya. Nagpapa cute ba sya?
Eww.
I rolled my eyes.
"Hindi ako pwede, I have busy scheds and we have orientation to make. I have no time, aalis na ako."
Aldrich said at paalis na sana pero hinawakan sya nung babae.
"Sige na bab—"
Ano daw? Babe? Baby? Akala ko wala syang girlfriend?
Umalis na si Aldrich at patakbo syang sinundan nung babae.
Teka, tama ba narinig ko? Babe nga ba yung sinabi nung babae?
Napakunot noo ako.
Teka, bakit ako nagkakaganito? Ano naman ngayun kung girlfriend nya yun? O—
Ka fubu?
Napalaki ako ng mata.
OMG! Shocks erase erase Lory!

BINABASA MO ANG
Blind Date
Gizem / Gerilim"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020