CHAPTER 15

57 22 25
                                    

Nagising si Hanelle sa isang lugar na madilim, tanging ang pundidong ilaw lang ang kanyang nag silbing liwanag sa upang makakita sa paligid.

Nagising si Hanelle sa isang lugar na madilim, tanging ang pundidong ilaw lang ang kanyang nag silbing liwanag sa upang makakita sa paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinagmasdan nya ang paligid at inaalam kung nasaan sya. Tatayo sana sya ngunit bigla syang napadaing sa sakit ng kanyang paa, at nakitang nakatali ang mga ito, ganun din ang kanyang mga kamay. Nagwawala sya ng mapagtantong itinali pala sya sa silya. Lahat ng paraan para makaalis doon at ginawa nya, ngunit mahigpit ang tali kaya wala syang nagawa.

Tinanggal nya ang kanyang suot na heels at dumaing sa sakit, namumula na ang kanyang mga paa dahil sa sapatos na suot.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH" Malakas na daing nya at umiyak.

Muli tumingin sya sa paligid at sa lapag, nagbabakasali syang may makitang magagamit upang makawala.

"Kahit anong gawin mo di ka makakatakas."

Napahinto sya ng makita nanaman ang lalaking naka maskara.

"Sa tingin mo ba di ko naisip yan?"

Ramdam na ramdam ang lamig sa boses nito.

"Akala ko matalino ka, hindi pala."

"Sino ka ba?" Matapang na tanong ni Hanelle.

Muli syang tumingin sa baba at nakita ang kanyang bag. Dahan dahan nya itong kinuha gamit ang kanyang paa.

"Why do you need to know who am I? Kung mamatay ka din naman."

"Why are you doing this?"

"In-enjoy mo ba yung last supper mo?" The man chuckled.

Muling tumingin sa lapag si Hanelle para tignan ang kanyang bag. Naalala nya na may patalim at disinfectant syang dala. Ginamit nya ang kanyang paa para kunin yun sa loob, unti-unti nya itong kinukuha kahit nahihirapan sya.

Nagulat sya ng biglang sinipa ng lalaki ang bag nya.

"Tanga ka ba talaga? AHAHAHAHAHA" Malademonyo itong tumawa sa harapan ng dalaga.

"Sino ka ba?!" Maiyak iyak na sabi ng dalaga.

Nilapitan sya nito at nilapit pa ang muka sa dalaga, umiwas naman si Hanelle at pinilit iusog ang knayang inuupuan.

"W-what do you need...f-from me?" Tanong ng dalaga na ikinahalakhak naman ng lalaki.

"What's funny huh? Ano ba kaseng kailangan mo?!"

Bigla namang naging seryoso ang lalaki, at dinikit sa katawan ni Hanelle ang hawak nyang taser.

Nanginig ang buong katawan ni Hanelle dahil sa naramdamang kuryente, nanakit din ang parte ng tyan nya kung saan  yun. Umiiyak syang dumadaing sa sakit pagkatapos tanggalin ng lalaki ang taser. Nanghina ito, at pagkatapos ay nakayukong humikbi.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon