Yuri's POV:
"Where are you going?"
Yaku said.
Hindi ko sya sinagot at sinuot na ang sling bag ko.
"Hey, are you avoiding me?"
Then he stopped what his doing—making coffee.
Nang mapansin nyang di ko padin sya kinikibo at kinuha lang ang earphone ko, ay hinawakan nya ako sa kamay.
"Lory."
"Lory?" Tapos napakunot noo ako.
"I mean Yuri. Why are you ignoring me?"
Binagsak ko ang kamay ko para mapabitaw sya sa kapit nya sakin.
"Why did you call me lory first?" Napaatras sya.
"Kelan pa naging sagot ang tanong sa isang tanong?"
I rolled my eyes. Alam ko naman kaseng di sya aamin.
"I'm not avoiding you."
"Then why?"
"I'm not just in the mood, Yaku."
Muka namang naniwala sya sakin kaya tumalikod na sya at nagpatuloy na sa ginagawa nya.
"Pero san ka pupunta?" He said at tinaasan pa ako ng kilay.
"I'm going to the funeral."
"Wait, why—" —Naputol ang sinasabi nya dahil nag ring ang phone nya— "Wait a second, antayin mo ko bago ka umalis." I rolled my eyes.
Nagmamadali pa naman ako dahil kailangang kailangan na ako nila Violet.
Sobrang sakit ng nararamdaman ni Violet ngayun. Hindi ko man mapakita ang tunay na nararamdaman ko sa kanila, pero alam nilang nag aalala ako.
Wala ang parents ni Harold dito at nasa ibang bansa sila. Pero napag desisyunan na ng pamilya nila na I-cremate nalang ang katawan nya.
Exam nanamin bukas, pero heto kami imbes na mag review pupunta kami sa libing ni Harold. Konti lang naman ang pupunta, mga kaibigan nya, kaklase, relatives at syempre ang girlfriend nya. Si Violet.
Alam kong sobrang sakit nito para kay Violet, hindi pa nga sya makausap at iyak lang ng iyak nung makita namin sya. At syempre hindi din mawawala si Faye. Dinala nga ulit sa hospital ang lola nya dahil sa nalaman, ayaw man namin sabihin ngunit kailangan. Lahat kaming kaibigan ni Faye tuliro at balisa nung malaman yun.
Lalo na si Lory. Sya ang pinakamalapit sa bawat isa samin, kaya nung nalaman nya yung sinabi ko, naabutan ko syang walang malay sa dorm.
Nagulat din ako ng malaman ko yun. Sabi sakin ni Violet may nag send sa kanya ng nangyari kay Faye at may kasama pang picture ng bangkay ni Faye. Nung araw na yun di nya din alam ang gagawin nya dahil dalawang importanteng tao sa buhay nya ang nawala sa kanya. Lalo na at close sila ni Faye.
Habang tinitignan ko ang mga pictures naming lima sa phone ko noong magkakasama pa kami, narinig kung sumigaw si Yaku.
Pinuntahan ko sya sa kusina kung saan nakita ko syang may kausap sa cellphone nya.
Inis na inis sya at napasabunot pa sya sa buhok nya, pagtapos ay binaba na ang tawag ng kausap nya sa kabilang linya.
Ngayun ko lang sya nakitang nag kaganun kaya nakakapagtaka. Hindi kaya dahil sa office nanaman ng dad nya yun?
Palingon na sya sa kung saan ako nakatayo kaya nagtago ako agad sa likod ng pader. Sa kaba ko tumakbo ako papunta sa sala at nag panggap na wala akong nakita. Magkasalubong ang mga kilay nyang lumabas sa kusina, pero inayos nya ang sarili nya ng malapit na sya sa sakin.
BINABASA MO ANG
Blind Date
غموض / إثارة"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020