CHAPTER 27

25 6 2
                                    

Lory's POV:

Nakarating kami sa isang mamahaling at malaking restaurant ni Aldrich. Pa'no ko nasabing mahal? Dahil sa labas ng lugar ay magagarbong kagamitan na ang makikita mo. Mga mamahaling paintings at mga design sa paligid. I wonder why he brought me here? Hindi ko din alam kung saan 'to pero sa palagay ko ay malayo to sa Elisora, nakatulog din kase ako sa kotse nya dahil na din sa byahe at sa aircon.

Pinagmasdan ko ang lugar, ang ganda, sobra. Madaming mga customer na nakatingin saming dalawa, yung iba naman nakafocus lang sa pagkain nila. Pero ang mas napansin ko ay karamihan sa customer dito ay 'couple.'

Shet baka isipin nila couple kami nitong tukmol na 'to

Bigla akong nandiri sa naisip ko.

Iniupo ako ni Aldrich sa may salamin at malapit sa outside view ng restaurant. Napahawak naman ako sa salamin at napatitig sa kagandahan ng view sa labas.

Kitang kita ang kagandahan ng kalangitan at malinis na kapaligiran. May mga bulaklak pa sa labas, mukha sya small garden at talagang nakakarelax sa mata na pagmasdan. Buti nalang dito kami pumwesto, mas maeenjoy ko ang lugar at ang pagkain ng ganito.

Napangiti ako.

"You like it?" He said while sitting in his chair.

"Yah, it's beautiful."

Then I smile, a soft smile.

"Like you."

Hindi ko alam kung tama ako ng nadinig sa sinabi nya pero I can't deny I assumed to myself na ayun nga ang sinabi nya.

Tumingin ako sa kanya nakangiti sya sakin.

Wow, naninibago ako sa Aldrich na kasama ko sya ba talaga yan? Ang Aldrich kase na kilala ko laging masungit.

Di ko naiwasan ang mga mata nya, katulad ng una naming pagkikita ganun padin 'yon, para akong hinihigop ng mga mata nya at sinasabing dun lang ako tumingin.

Sakto namang dumating ang waiter para kunin ang order namin.

"So? Bakit nga pala dito mo ko dinala?" I asked.

"Para lang maiba, at saka dito kami kumakain ng mga kaklase ko minsan." Tapos at uminom sya ng tubig.

Napa 'ahh' nalang ako sa sinabi nya. Kung sa bagay maganda naman dito. Maganda na din yung maka explore explore ako kahit papano, at saka first time kung lumayo ng ganto kalayo sa bahay at sa school. Hindi naman sa strict sila mama at papa sadyang di lang ako palalabas ng bahay.

"Nga pala medyo malapit na Christmas, may naiisip ka bang pwedeng gawin natin para sa program?"

"Exchange gift lang naiisip ko e."

"Well, matagal pa naman yun. We can still talk about it."

Ngitinian ko lang sya pagkatapos. Sakto at dumating na ang order namin, at talaga namang gutom na gutom na ako dahil kanina pa nag iinarte 'tong tiyan ko.

Tummy nakakahiya ka

Hindi na ako nakapagpigil at nauna na akong kumain sa kanya. Ang sasarap ng in-order nya parang mapapadami tuloy ako ng kain.

"Oh dahan dahan kalang baka mabulunan ka hahahaha." He said then give me a glass of water.

Napayuko naman ako dahil sa hiya. Hays, ano ba yan Lory nakakahiya ka.

Habang kumakain kami biglang may nagsalita na babae sa may stage. At dun ko lang din napansin na may mini stage pala sila dito, malapit yun sa counter nila. May sofa din dun, at may dalawang round table, meron ding ref na puno ng mga drinks. Pero mas nagustuhan ko yung soju na nasa table. And it looks like it's open for all people or their customers who wants to sing.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon