Lory's POV:
Weekends ngayun, kaya nakahilata lang ako sa kama ko.
Gusto ko sanang umuwi sa bahay kaso may mga activity akong dapat tapusin. Malapit na din ang deadlines ng iba kaya need ko na sila tapusin.
Tulog pa ang apat kung kaibigan kaya naman ako na ang nag-ayos at naglinis sa dorm, mga tulog mantika talaga 'tong mga 'to.
Pagkatapos ko maglinis, naligo na ako at nag-ayos.
Pagkatapos nun nilabas ko ang mga gamit ko pati na din ang laptop ko. Umupo ako sa kama ko at nagsimulang gawin ang mga kailangan kong ipasa.
Tahimik akong gumagawa ng assignment ko ng mag ring ang phone ni Chloe sa itaas ng kama.
Ayokong sagutin dahil privacy nya yun. At isa pa, it's none of my business.
Natapos ang ring ng phone nya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, hanggang sa matapos ko ang isa sa mga ito.
Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref.
Saktong pag-inom ko at tumunog nanaman ang phone nya. Napakunot noo ako.
Hindi ko padin inintindi ang tawag.
Nakita ko naman si Yuri na medyo nag inat, katulad ni Violet na umayos pa ng higa. Bumalik ako sa higaan ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Nang mag ring naman ang phone ni Violet sa kabilang higaan.
Napakunot noo ako na masamang tinignan yun. Nakakairita. Hindi ba sila marunong mag silent ng phone?
Katulad kay Chloe i-nignore ko yun.Bigla nalang akong nagulat ng malaglag sa taas ng kama ang phone ni Chloe, habang nag ri -ring parin ito. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ni Chloe na nahulog, tinignan ko naman sya sa taas ng higaan at nanatili padin syang tulog.
Tinignan ko ang phone nya, tumigil na ang pag ring nun. Pero bigla 'yong bumukas at may isang notification.
Binuksan ko yun.
Bumukas naman ang phone nya. Dahan dahan ko yung inantay mag load.
Napalaki ang mata ko ng makita ang itsura ni...
"Hanelle?"
Sa baba ng picture nya, merong isang link na may nakasulat na 'watch me'
Nag aalinlangan man, binuksan ko yung link.
At ganun nalang ang naging takot at gulat ko habang pinapanood ang kaklase ko. May kasama syang lalaki na nagrerecord ng pangyayari, samantalang sya pinapahirapan.
Napahawak ako sa bunganga ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Natapos ang video ng 'di 'ko sya napanood. Hindi ko kase talaga kaya ang nangyayari kay Hanelle, walang puso yung gumawa nun sa kanya! Atsaka bakit? Ang daming tanong sa isipan ko, hindi ko na alam ang nangyayari natatakot ako para sa kaligtasan ng lahat.
Hindi ko din alam kung magkakatulad lang ba 'to gaya sa iba.
Sa sobrang kaba at takot ko nalaglag ko pala ang cellphone ni Chloe at napaurong sa lamesa, dahilan kaya nabasag ang mga pinggan nandun.
"Lory? Lory! Oh my god, what happend?"
Inalalayan ako ni Yuri na gising na pala.
"Lory. Anong nangyayari?" Si Faye.
"Hoy! Gumising kayo!"
Napaupo ako sa lapag habang hawak hawak ni Faye at Yuri. Hindi ko alam pero, bigla nalang din nanlambot ang mga tuhod ko.

BINABASA MO ANG
Blind Date
Mystery / Thriller"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020