CHAPTER 08

55 25 10
                                    

A/N: sorry tagal ng update, kakanood ko kase ng kdrama eh :( but enjoy reading my Aeri's!


———


Lory's POV:

This is the day. Malalaman nanamin kung sino ang bagong sets ng school committee.

Ilang araw din ang hinintay ni Chloe dito para lang magpursige at masabing, deserving kami sa pwesto.

Nasa room na ako at hinihintay sila Chloe. Galing kase sila sa faculty dahil nautusan sila ng isang prof na pag dalhin ng mga libro. Humiwalay ako sa kanila dahil nagpalit ako sa restroom, at dahil dun naalala ko nanaman ang nangyari kay Gail. Dun kase sa restroom na yun ko sya tinulungan.

Konti lang ang tao dito sa classroom, dahil nga nag-aabang na silang lahat sa bagong set of school committee.

"Goodluck sayo."

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Archie.

"Saan?" Tanong ko habang nag aayos ng mga gamit ko.

Ang tagal na ng huli nya akong kinausap, nakakamiss ang boses nya

"Diba sumali ka sa school committee?"

"Ahh, oo. Thankyou."

Ang awkward

Ngumiti nalang ako sa kanya pag kasabi ko nun, ngumiti din sya pabalik at umalis na.

Tinignan ko sya hanggang sa makalabas sya ng classroom.

Natahimik ako saglit at tumingin sa labas ng bintana.

Ang ganda ng ulap

Oo maganda talaga Lory.

I was about to clean again my things na natitira sa table ko, when Chloe shout my name.

"LORYYYY!!!!!"

Everyone watch her in shock.

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nya.

Nang makalapit sya sa pwesto ko, hinatak nya ako paalis sa upuan.

"Ano ba Chloe! Wait lang yung  mga gamit ko!" Pagpupumigil ko sa ginagawa nya.

"Bilisan muna kase!" At kinuha nya lahat ng natirang gamit ko tapos basta nalang nya sinuksok sa bag ko yun.

Tangina

Ayoko pa naman sa lahat yung bara-bara bay!

Nakakainis. Kung di lang kita kaibigan, sinapak na kita.

We run towards the bulletin board near the hallway, papunta sa main building.

Mukang naka display na ang new set of committee, dahil napaka daming students ang nakikiisyoso sa bullettin board.

Nakasama kaya kami sa boto ng lahat?

"Pano tayo dadaan sa mga yan? Ang daming tao jusko."

Napatingin kami ni Chloe sa nagsalita. Sila Violet pala kasama pa si Harold.

"Well, para saan pa na kinakatakutan ako ng mga studyante dito diba?" Sabi ni Chloe at nauna na sa'ming maglakad.

Gagamitin nanaman nya ang pagiging sikat na leader nya.

Nang mapaalis ni Chloe ang mga studyante, tinignan naman naming agad magbabarkada ang board.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon