CHAPTER 07

51 26 25
                                    

Zeya's POV:

Ilang araw na akong di pumapasok. Hinahanap na din ako ng mga prof at ng parents ko. Pero mas mabuti na yung malayo ako sa kanilang lahat.

Ayoko na pati sila madamay pa. Natatakot ako para sa kanilang lahat, lalong lalo na din sa mga kaibigan kung malapit sakin. Lalong lalo na ang mga magulang ko, mahal na mahal ko silang lahat at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa kanila.

Mas mabuti ng ako ang lumayo at wag na nilang isipin ang pwedeng mangyari sakin, pagkatapos ng lahat.

Namimiss ko na ang Ilaria.

Ang mga kaklase ko.

Lahat sila namimiss ko na.

Ano na kayang ginagawa nila? Sigurado ako na naghahanap padin sila ng makaka match nila sa pesteng app na yun!

Akala ko magiging masaya, akala ko magiging maganda ang lahat, akala ko makakatagpo 'ko talaga ang para sakin, pero hindi pala. Hindi sya ganun, hindi sya maganda at lalong lalo ng hindi sya nakakatuwa.

Ilang araw na akong nagtatago tago sa ibang bayan na sobrang layo sa kinalakihan ko, ang bayan ng Elisora.

Hindi ko sila masabihan ng nangyayari sakin dahil di ko alam kung paano ko sisimulan, kung may maniniwala ba, kung magtitiwala ba sila, o ano man. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagtawanan lang nila akong lahat.

Kilala ako ng lahat bilang matapang na babae. Palaban, hindi umaatras sa kahit anong laban. Matatag, matalino at nagiging rason ng mga away dahil daw maldita ako at masama ang ugali.

Pero kaya ko lang yun ginagawa dahil, ayokong may naapi sa paligid ko.

Hindi ko alam kung asan na ako ngayun, basta may natutuluyan ako tuwing gabi at malayo sa Elisora okay na ako.

Kada pag gising ko ng umaga di ko alam kung ligtas pa ba ako o hindi.

Ang lagi ko lang iniisip, gusto ko pang mabuhay gusto ko pa silang makita, gusto ko pa sila na makasamang lahat.

Naglalakad ako sa isang tahimik na kalsada para maghanap ng matutuluyan ulit, 'di pwedeng mag stay ako sa bahay na tinuluyan ko kanina baka mahanap nya ako.

Nagugutom na ako wala padin akong kinakain mula kaninang umaga.

May nakita akong malapit na bahay sa isang kanto, baka may tubig sila na pwede kung hingin. Tinakbo ko ang bahay at dali dali akong kumatok kung meron silang tubig na maiinom.

"Tao po! Tao po!"

Kumatok pa ako para lang marinig ng kung sino man ang nasa loob.

"Tao po! May tao po ba dyan? Pwede po bang makihingi ng tubig?" This time nilakasan ko na ang pagkatok.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto, nagulat ako ng bukas 'to at hindi naka lock.

Dahan dahan akong pumasok sa loob para tignan kung may tao.

"Hello? Tao po? Makikihingi lang po ako ng tubig." Mahina pero nag echo ang boses ko sa loob ng bahay.

Vintage pallete ang design ng bahay. Medyo madilim nga lang dahil patay ang ilaw, kaya binuksan ko ang switch nito. Nagulat ako sa ganda ng loob, kung sa laban eh muka lang syang maliit na bahay na siguro kasya ang limang katao, sa loob nito kasya ata ang bente plus na katao.

May mga lumang litrato sa dingding ng living room, may mga antique furnitures din at may piano sa may gilid ng bintana.

"Wow." Bulong ko sa sarili ko.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon