Lory's POV:
Kakatapos lang ng filipino namin, kakatapos lang din ng report namin kay Maam.
At thankyou Lord dahil naging successful sya!
Kaya lang wala si Hanelle sa klase kanina. Nagtataka nga din kaming lahat na ka grupo nya, at kung bakit di na din sya pumapasok.
Ilang araw na din kase syang absent sa klase, ang dami na nga din nyang nami-miss na topic. Tapos nag-aalala na din ang mga kaibigan nya sa kanya. Nakakapagtaka lang kase talaga, tapos di pa sya sumasagot sa text sa kanya ni Cashmere.
Nung gumagawa din kami ng activity kino-contact namin sya pero wala din syang reply. Hindi man lang nya na appreciate yung effort ni Cash sa kanya. Effort din namin, dahil pinagbigyan namin yung gusto nya which is unfair.
Pero ayun, wala ding balita teachers sa kanya. Kahit parents nya di din nagsasabi or nagbigay ng letter.
"Ang lalim naman ng iniisip mo."
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si—Travis.
Umupo sya sa tabi ko pero hindi ko sya pinansin at tumingin ulet sa malayo.
Nasa bench kami ng quadrangle. Lunch break kase namin pero hindi na ako kumain, mas pinili ko kaseng mapag isa at humiwalay muna kela Chloe.
Kaso bigla naman tong dumating.
"Kanina pa kita pinagmamasdan, anong iniisip mo?"
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sa malayo.
Stalker kaba?
Binalik ko ang atensyon ko sa malayo, hindi ko sya sinagot.
Umusog sya palapit sakin.
"Ano bang tinitignan mo?"
Dun ko lang napag tanto na halos 2 inches nalang ang lapit namin sa isat-isa.
"I-ikaw."
Humarap sya sakin.
"Ha? Ako tinignan mo?"
Putangina
"Hindi ikaw ang tinitignan ko. Sabi ko—"
"Deny ka pa HAHAHAHA"
Puta ang kapal talaga
"Hindi ikaw ang tinitignan ko, kaya pwede ba wag kang assuming." At inirapan ko sya.
"Eh bat mo sinabing ako?"
"Kase masyado ka ng malapit sakin." Sagot ko na di padin tumitingin sa kanya.
Bakit ba kase pumunta to dito? Ilang linggo na din yung huli naming kita, tapos magpaparamdam nanaman sya ngayun. Tapos baka pagkatapos nito wala nanaman sya.
Ghoster ka ha?
O baka naman pampalipas oras mo lang ako?
"Loy."
Napabalik ako sa presensya ko at napatingin sa kanya.
Anong tinawag nya sakin?
"Loy, okay kalang?"
Tinawag nya nga ako sa nickname ko.
"Lory, hey!" At inalog alog nya ang balikat ko.
"Ano ba!" Sabi ko ng mapagtantong hinawakan nya na pala ako, at tinanggal ko ang mga kamay nya sa balikat ko.
"Tulala ka kase. I ask you about Chloe pero di mo ko naririnig."

BINABASA MO ANG
Blind Date
Mystery / Thriller"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020