CHAPTER 10

60 20 8
                                    

Lory's POV:

Inis akong naglakad papunta sa Starbucks para puntahan si Chloe.

At sakto naman ang dating ko dahil nandun na din sya. Nakatayo sya sa labas ng cafe, at magkasalubong ang dalawang kilay. Siguro kanina pa sya dun dahil nakabusangot na yung muka nya.

Lumapit ako sa kanya at balak sana ikwento yung nangyari kanina. Kaso isang malakas na palo sa braso ang natanggap ko bago ako nakapagsalita.

"San ka ba galing?! Kanina pa ako dito! Akala ko iniwan mo na ako! Hmp!"

Tapos pinalo nya ako ulet sa braso.

Kasalanan ko bang nahuli ako dahil dun sa pisteng yawa na lalaki na yun?!

"I'll explain okay?" Sabi ko sa kanya at ngumiti.

At dahil dakilang marupok to, um-oo sya.

Pumasok kami sa loob ng Starbucks umupo kami ng medyo malapit sa counter.

At pinagsisihan kung dun pa kami umupo.


Simula palang nung una hindi na maintindihan ang nararamdaman


Unang line palang alam ko na talagang wawasakin nanaman nito yung puso ko.


Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan


Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang


Sapat na na kasama kita kahit hanggang dun nalang


Natulala ako habang dinarama ang bawat lyrics ng kanta.

Naalala ko nanaman sya.

At yung mga panahong kaming dalawa lang, kami na masaya, kami na nag-aasaran at nagkwekwentuhan ng mga magagandang bagay.


Siguro nga napamahal na ko sayo, oo di naman inaasahan


Di naman sinasadya


Hindi ko talaga sinasadya.


Pero alam ko rin naman


Hanggang dito nalang


Mula nung araw na iniwan mo ko, alam kung hanggang dun nalang yun. Di ko man alam yung buong dahilan bakit ka umalis at pinili sya, masaya ako para sayo. Masaya ako Travis.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon