CHAPTER 18

46 18 22
                                    

Aldrich POV:

"Matanda kana Aldrich, kaya sumunod ka sakin...."

Patuloy lang sya sa pag sasalita habang ako, eto nag papaikot-ikot ng swivel chair  ma parang bata sa opisina nya.

"Aldrich makinig ka, ang business natin at hindi basta basta. Kaya ikaw umayos ka."

Paulit ulit nalang, ilang beses ko na bang narinig yan sa kanya? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na bilang.

Para syang hangin na pinipilit kung wag pakinggan, dahil hindi din naman nya pinapakinggan kung ano ba talaga ang gusto ko.

Tumayo ako at naglilibot sa paligid ng office nya, kahit na ilang beses ko ng nakita ang mga nandito.

Humahanap lang talaga ako ng pwedeng gawin. Dahil ayoko syang pakinggan.

"Aldrich!"

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan sya ng walang emosyon.

"Nakikinig ka ba ha?"

"Hindi." Tipid na sagot ko na iki na kuyom ng kamay nya.

"Gago ka talaga kahit kelan."

"Alam ko."

Mapang asar na sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad sa office nya.

"Sumasagot ka pa. Alam mo hindi ko alam ang gagawin ko sayo, hindi ka namin pinalakin ganyan ng nanay mo!"

Tumataas na ang boses nya. Sensyales na yun na nagagalit na sya.

At bakit nga ba kase nandito pa ako?

"I need to go, madami pa akong i mi-meet na "clients" ng "kumpanyang" ito."

Diniinan ko talaga ang salitang 'client' at 'kumpanya' dahil imbes na nasa isang hospital ako at nag aasikaso ng pasyente ko ay napunta ako dito.

Isa lang gusto ko, maging doctor. Hindi maging sunud-sunuran sa'yo.

"Hindi pa ako tapos sayo Aldrich."

"I need to go." I said ang get my things.

Nang kukunin ko na ang susi ng kotse ko pinigilan nya ang kamay ko.

"Stay."

Yumuko ako at bumuntong hininga.

"Dad. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko 'to gusto?"

"Aldrich."

"Pero eto ako at tinutulungan padin kita. Kahit nahihirapan ako."

"Aldrich Laurent."

"Dad. May klase pa po ako, papasok na ako."

At hinigit ko sa kamay nya ang susi ng kotse ko.

Nakatalikod na ako ng muli syang magsalita.

"Ikaw ang bagong president ng school committee ng Ilaria."

Napahinto ako.

Ilang segundo ko din inisip ang mga sinabi nya, ikinuyom ko ang aking kamao dahil dun. At saka pumikit ng mariin.

"Wala ka ng magagawa. I already make my decision." He said.

Unti unti akong lumingo sa kanya, nakita ko naman syang papunta sa table nya.

May kinuha syang envelope sa drawer ng table. Nilapag nya yun desk nya at tinignan ako.

"Bakit ako?" I asked.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon