CHAPTER 28

24 5 0
                                    

Lory's POV:

Dinala ako ni Aldrich sa isang park. Pagkatapos ay umupo kami sa may damuhan. Sa totoo lang gustuhin ko mang umuwi na pero hindi ko magawa, parang mas masaya pa na kasama ko sya kesa magpahinga sa dorm.

"Anong iniisip mo?"

Napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa malayo.

"W-wala."

Ngumiti sya.

"I'm sorry."

Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Ha? Bakit? Bakit ka mnag so-sorry?" Tinignan nya ako sa mata tapos biglang sumeryeso ang mga titig nya.

"Hindi ka nakapag review para sa exam, dahil pinilit kitang sumama sakin."

Napangisi ako.

"Ano ka ba, okay lang yun. At isa pa hindi mo ko pinilit noh."

Hindi ko alam pero mas gusto ko pa ngang nakasama sya ngayung araw kesa mag review. Para bang feeling mo papasa kana kahit na wala kang ginawa.

Ngumiti lang sya sakin at tumingin muli sa malayo. I wonder kung anong iniisip nya, halata kaseng malalim ang mga yun. I wanna ask him but I can't. Kung sa bagay hindi ko naman problema yun, baka sabihan nya pa ako ng 'chismosa.'

Ilang minuto kaming nanahimik, nakaramdam naman ako ng sakit sa likod dahil na din siguro sa tagal naming pag upo dito sa damuhan.

Bigla naman nyang diniretso ang mga binti nya.

"Humiga ka nalang muna."

Nagulat ako sa alok nya. Kaya naman tumanggi ako, at isa pa na a-awkward-an ako sa posisyong ganun.

Pero mapilit sya kaya at talaga sya pa ang nagpahiga sakin. Kahit na nagpupumiglas ako sa mga kamay nya hindi ko magawa, medyo malakas din kase ang pwersa nya.

"Alam kung di komportable, pero okay na yan kesa naman makita kitang nahihirapan sa likod mo."

Hindi ako umimik. Nilagay naman nya sa binti nya ang jacket na dala nya kanina.

Tumingin ulit sya sa malayo, ako naman napatitig sa muka nya.

Walang duda na kaya sya tinitilian ng mga studyante sa school dahil sa kurba ng mukha nya. Sa mga mata nya, na pagsisihan mo talagang tinitignan mo na talagang inaakit ka ng mga yun para lang tignan mo sya.

Ang dami naming kwentong pinagsaluhan ni Aldrich sa park, tawanan at kung ano anong kwento. Mga pangarap sa buhay at mga balak gawin sa future.

Pati na din ang mga ideal girl at man namin.

"Basta tapat sya sakin, at mahal nya ako okay na yun."

Napaka simple lang ng gusto nya pero mahirap mahanap.

Ilang oras din kaming nanatili ni Aldrich sa park, nag si alisan na din ang ibang tao sa park. Malapit na din mag gabi kaya naman naisipan ko na syang yayain, at saka baka hinahanap na ako nila Chloe.

"Tara na." I said then I stand up.

Sumunod ako sa kanya ng makatayo sya. Pumunta na kami sa parking, pinauna nya ako sa loob at inantay nya pa ako makapag seatbelt, parang may gusto syang sabihin na di nya magawa kaya binigyan ko sya ng questionable look.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon