CHAPTER 04

92 27 19
                                    

Lory's POV:

Natapos ang ang first sub namin na PE. Buti di ako na late kase mukang bad mood pa kanina si Sir Oliver, baka nasampulan pa ako ng curl ups. Ganun kase ang pinapagawa nya once na na late ka, or pasaway ka sa klase nya push naman for boys.

Pero ang gwapo talaga ni Sir Oliver! Crush na crush ko sya since second year palang ako, yung malaki nyang dibdib yung maganda nyang pangangatawan, crush na crush ko talaga si sir.

Tapos ang bait bait nya pa! And gentleman pang dream guy talaga. Sobrang swerte ng magiging gf ni Sir someday hays at sana ako yun. Natawa ako sa sarili kung naisip 9 years din ata ang agwat namin ni sir kaya why not? HAHAHA pero syempre joke lang, makasuhan pa sya kase o pumatol sya sa student pero sayang ka talaga sir.

"Ano yang ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Chloe at binigyan ako ng 'question mark' look.

"Ah wala may naisip kase akong joke." Pagpapalusot ko.

"Weh? Nakakatawa ba talaga yan?" Tanong nya at binuksan ang plastic na hawak nya kumagat sa sandwich.

"O-oo naman." Nauutal pang sabi ko kase wala naman talagang joke sa isip ko.

"Sige nga. Spill it."

Napa rolled eyes ako sa sinabi nya.

Ugh! Lory think some kind of joke, mygod bakit ko ba kase sinabi yun?

Aahh! May naisip ako pero sana magwork.

"Anong sabi ni mommy doughnut sa anak nya nung nakita nya to sa taas ng puno?"

"Ano?"

"Bavarian"

Di ko alam pero bigla nalang syang tumawa at tumalsik pa yung kinakain nyang sandwich, ang dugyot nito kahit kelan.

Pinalo nya pa ang braso ko dahil sa kakatawa nya. Ni hindi nga nakakatawa yung naisip ko, di ko tuloy alam kung totoong tawa yan o awa lang. Bigla naman dumating sina Yuri, Faye, at Violet.

Nakakapagtaka di nila kasama si Harold, himalang napag hiwalay ang mag jowang ito.

"Anong nangyari dyan? Bakit tawa ng tawa?" Tanong ni Faye at umupo sa gilid ko.

"Nabaliw na ata, ewan ko ba dyan nag joke lang naman ako." Sabi ko at kumuha sa chips na kinain ni Yuri.

"Ano ba kase yung joke mo? Baka nakakatawa naman talaga" Tanong ni Violet na halatang gustong sabihin ko ulit yung naisip kung palusot kanina.

"Nako, wag nyo ng ipasabi HAHAHAHAHAHAHA nakakatawa kase talaga." Sabi ni Chloe na mukang nahimasmasan na.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nyang "nakakatawa talaga" o maiinis kase parang sarcastic lang yun about sa joke ko.

"Anyways change of topic guys." Sabi ni Faye at sumeryoso ng tingin saming apat.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Magsisimula na daw ang unang activity for clubs." Sabi ni Faye.

"Wow, exciting yan ah!" Si Yuri.

"San mo naman nalaman? At bakit walang announcement?" Si Chloe.

"Anong wala? Meron na kaya, naka display dun sa bulletin board bago ako pumasok kanina. Meron na din sa mga dulo ng hallway." Sabi ni Faye.

Bakit hindi ko napansin yun kanina?

Ah Tama! Busy nga pala ako kakaisip dun sa nakita kung insidente.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon