CHAPTER 03

96 27 28
                                    

Lory's POV:

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!"

"Shhhh! Lory ako to!"

Napatigil ako sa pagsigaw dahil nakita ko si Travis, ang kababata ko.

"Wag ka nang sumigaw sorry sorry."

"Bwiset ka! Alam mo bang tinakot mo ko ah!" Sabi ko at pinaghahampas ang braso nya.

"Aray! Aray! Sorry na nga e, di ko naman sinasadya na takutin ka e, bigla mo kasing binilisan lakad mo"

"Eh kase nga tinakot mo ko!" At pinalo ko ulit sya sa braso nya.

"Natatakot ka pala" Sabi nya at tumawa pa.

"Malamang ano bang tingin mo sakin ha? Tao din ako at may nararamdaman."

"Matapang ka kaya, kaya di ko maisip na kaya mo ding matakot minsan."

"Aba siraulo ka ba? It doesn't mean na kapag kaya mo lagi ay hindi kana natatakot."

"Eh bakit kase nasa labas kapa, gabing gabi na oh."

"Kagagaling ko lang sa school pauwi na ako, dun na ako matutulog ayoko sa dorm."

"Eh bakit ikaw? Nandito ka din, uuwi kaba senyo?" Dagdag ko. Parehas kase kami sa Ilaria na nag aaral kaya nagtataka din ako bakit wala sya sa dorm.

"Di din ako matutulog sa dorm, may mga aasikasuhin pa kase ako."

Kahit kase may dorm kami sa school pwede padin kaming umuwi sa bahay namin, nasa samin nalang ang desisyon at basta magpapaalam muna sa faculty para mabigyan ng letter at payagan makalabas.

Tinignan ko lang sya at nagsimula na ako ulit maglakad, naramdaman ko namang sumunod sya at sinabayan na din ako sa paglalakad.

Matagal kaming nanahimik at patuloy lang sa paglalakad, ni hindi ko sya tinitignan at diretso lang ang tingin sa daan.

"Hatid na kita senyo?" Basag nya sa katahimikan.

"Wag na kaya ko naman, saka isang kanto nalang" Sagot ko at patuloy pading nakatingin sa dinadanan ko.

"Malapit lang naman ako senyo e, sge na ihahatid na kita."

"Wag na nga Travis." At tinignan ko sya.

"I insist." Sabi nya at nginitian ako.

Ayoko talaga syang makasabay sa totoo lang, at ayokong ihatid nya pa ako sa bahay.

Since elementary magkaklase kami. This highschool lang hindi, sya lang ang lagi kung nakakasama mula nung bata pa ako at si Chloe, childhood friend ko din kase si Chloe, pero mas madalas ko nga nakakasama si Travis kase magkaklase kami before.

Hanggang sa nag highschool kami magkasangga pa din kaming dalawa. Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Travis met another girl.

Kaklase nya yun, tapos lagi na silang magkasama, sabay kumain sa cafeteria, sabay umuwi, sabay sa lahat. Nakalimutan nya kami ni Chloe nakalimutan nga ba o kinalimutan.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon