CHAPTER 06

59 25 24
                                    

Lory's POV:

Tatlong araw na nakakalipas at hanggang ngayun di padin ako nakaka get over sa pagsasama namin nun ni Travis.

Tulala akong nakatunganga sa bintana habang nagtuturo si Ms. Lexa ang teacher namin sa math. Ang boring nya talaga mag turo, isama mo pa yung face expression nya lagi na poker face lang tapos parang walang gana lagi, math na nga yung subject tapos ganyan pa sya mag turo parang napipilitan lang sya sa ginagawa nya.

"Hoy Lory, after natin dito diretso agad tayo sa faculty para mag pa list down ah."

Napatigin ako sa bulong ni Chloe na nasa likod ko. Ngayun na nga pala yung running for new members for school committee

"Oo mamaya, wag kana maingay mamaya sitahin tayo ni Maam."

Pagsabi ko nun huli na para manahimik dahil biglang tinawag ni Ms. Lexa ang pangalan ko at pinasagot sakin ang tanong nya, na kanina papala walang sumasagot sa klase...

"Ms. Lory Cane Auxerre, please answer my question tutal nakikipag bulungan ka naman kay Ms. Xavier."

Tumayo ako para di na tumagal ang kahihiyan na to, nakatingin naman ang buong klase sakin.

Lintek na yan! Di ko naman pwedeng isisi kay Chloe to dahil excited lang naman sya sa school committee.

"-10x - 19 = 19 - 8x"

Sabi ni maam at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"The answer is x = -19"

Sagot ko at tinignan ko sya straight for her eyes. Narinig ko naman ang mga bulong bulungan ng kaklase ko.

"Hindi na nakakapagtaka kung bakit sya ang top 1 natin"

"Imagine kakabigay lang ni maam ng tanong ay diretsong nasagot na nya to."

"Nakakabilib talaga tong si Lory"

"Ang galing tama yung sagot nya"

"Nag sosolve palang ako e, nakuha na nya agad?"

"Sayang wala si Zeya dito, di sila makakapag debate, masaya pa namang nakikita na 'tong dalawang matalino ay nagtatalo"

Speaking of Zeya, isang linggo na din syang absent. Ano kayang nangyari sa kanya? Di naman sya nag file ng leave of kung may sakit ba sya o ano.

Bigla naman pinatahimik ni Ms. Lexa ang klase. Tumingin itong muli sakin at lumapit.

"Mabuti naman at kahit nag iingay ka eh nakikinig ka sa klase ko." Mariing sabi nya at naghalukipkip.

Binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

"You may sitdown Ms. Auxerre"

Umupo na ako at sinunod ko nalang sya. I didn't like math, ewan ko lang bakit nakakasagot ako minsan.

Pinalakpakan ako ni Ms. Lexa after nun pinagsabihan nya din ako about samin ni Chloe. Bigla namang nag bell at nagiwan nalang sya ng assignment para saamin.

"Ang galing mo dun Lory ah!" Sabi ni Yuri at pinalo pa ako sa braso.

"Next time kase wag na makipagdaldalan e." Sabi ni Violet at nagtawanan naman sila ni Faye.

"Mga baliw! Kinabahan nga ako para kay Lory e." Si Chloe.

"Ba't ka naman kakabahan eh matalino tong kaibigan natin!" Si Yuri.

"Tumigil na kayo tara na nagugutom na ako." Sabi ko at umalis na kami sa room.

"Mauna na kayo sasali lang kami ni Lory sa new sets of school committee." Sabi ni Chloe at hinatak ako papuntang faculty.

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon