CHAPTER 22

27 7 2
                                    

Lory's POV:

Dinala nya ako sa faculty. Kukunin at aayusin daw muna namin ang lahat ng kailangan naming gawin bago kami pumunta sa library.

Sa library nya daw naisip gawin to dahil gusto nya sa lugar na tahimik.

Siguro book lover din sya?

Napansin kong may sarili na pala akong table sa loob ng faculty. May pangalan ko pang nakalagay doon.

"Wow. Ang ganda." Sabi ko at hinawakan yun, babasagin yun at talagang nakaukit ang pangalan ko doon.

Gusto ko syang iuwi sa bahay tapos i-display dahil sa sobrang ganda nya.

Nakita ko din ang table ng iba pa naming kasamahan sa school committee, meron na din silang sarilin table sa loob ng faculty at sariling pangalan sa table.

Napatingin ako sa table ni Travis. Ang linig ng table nya, siguro wala pa syang ginagawang task o ano man mula sa Club.

"Tutulala kalang ba dyan o tutulong ka?"

Napatingin ako sa kanya, nakapatong na sa table ang mga folders at files na aayusin naming dalawa.

Hindi ko man lang pala sya natulungan sa pag lalabas nun mula sa drawer ng table nya.

"Sorry. Hindi ko alam na—"

"Hindi mo talaga malalaman kase amaze na amaze ka sa glass name mo."

Pag putol nya sa sinasabi ko.

Aba, 'di ko naman kase alam noh? Nakakainis na 'tong lalaking 'to sarap na nyang sapakin.

"Dalin mo yan clear folder, ako na dito sa mga file na nasa brown envelopes." Sabi nya binuhat na ang mga yun.

Ginawa ko din ang ginawa nya pero, nalalag ang kalahati ng folder sa lapag. Hindi ko kase na balance ng maayos at, medyo mabigat na kase.

Nilingon nya ako ng may seryoso ngunit plain na mukha.

Nagalit kaya sya?

Ibinaba nya ang mga dala nya sa table at tinulungan akong ayusin ang mga nalaglag.

Wow, ngayun lang ata nangyari to—ang tumulong sya.

"Thank you pasensya na." Sabi ko.

"Kukunin ko sa taas yung trolley, para malagay natin yang mga yan. Hintayin mo nalang ako dito."

Pagkasabi nya nun ay lumabas na sya ng faculty.

Naiwan akong mag-isa sa faculty.

Umupo ako sa swivel chair ng table ko, katabi nun ang kay Aldrich sa kanan ko naman ang kay Trix, sa tapat nya yung kay Stacey. At sa tapat ko naman ang table ni....

"Travis?"

Ngayun ko lang napansin na magkatapat pala kami. Ngayun palang naiisip ko na maiilang ako sa kanya pag nagkasabay kaming gumagawa dito sa faculty.

Katapat naman ni Aldrich si Euwan.

Bigla akong natigil dahil nagring ang phone ni Aldrich.

"Naiwan nya pala yung cellphone nya."

Sinilip ko yun at nakita ko ang wallpaper nya.

May babae dun at naka zoom yung mukha ng babae, pero kalahati lang ng mukha nya yung nandun.

Nang ma realize ko na parang may mali sa wallpaper nya ay binalak ko na yung kunin, pero bigla naman syang dumating...

"Let's go—"

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon