Lory's POV:
Nagising ako dahil sa ingay sa labas.
Mabibigat na paa na nagsisitakbuhan kung saan saan.
"Hoy! Gumising na kayo! Nagkakagulo nanaman sa labas!"
Rinig kung sabi ni Violet.
Ano namaman ang nangyayari?
Kunot noo akong bumangon sa kama ganun din sila Yuri, Faye at Chloe.
"Anong nangyayari? Bakit ang ingay?" Tanong ni Yuri kay Violet.
"Hindi ko din alam pero mukang may gulo nanaman sa labas ng school." Sagot nya. "Tara na! Mag sikilos na kayo!" Dagdag nya pa.
"Hoy tignan nyo! Pati sa field nag kakagulo sila."
Si Faye na nasa bintana.
Agad agad naman kaming sumilip para alamin kung ano ang nasa field.
Pero iba ang nahagilap ng mga mata ko.
Si Aldrich
At si Travis.
Nasa kabilang side si Aldrich, kasama nya ang dalawa nyang kaibigan. Si Travis naman nagpapapigil sa mga students na lumapit sa naturang gulo.
Pero mas na focus ang atensyon ko kay Aldrich. Nakatayo lang sya at pinagmamasdan ang mga studyante, nakakapagtaka bakit hindi sya gumagawa ng paraan? President sya pero nakatunganga lang sya.
May pinaguusapan ang mga kaibigan ko pero hindi ko yun mabigyan ng pansin, para akong natulala at tila ayaw matanggal ng mga mata ko kay Aldrich.
Maya maya lang ay bigla sang sumulyap sa bintana ng dorm namin.
Nagulat ako kaya napa atras ako.
Nagkatitigan kami.
"Oh Lory, okay kalang?" Tanong ni Yuri.
Tumango ako bilang tugon.
"Halika na nga bumaba na tayo, para din alam natin yung nangyayari." Sabi ni Faye at sumunod naman sa kanya ang lahat.
Muli kung binalik ang tingin sa labas ng bintana.
Pinapagalitan na ni Aldrich ang mga studyante, nakapila pa ang mga to sa harapan nya. Nasa field na din sina Trix, Stacey at Euwan.
May mga teachers nadin sa baba kaya naman nagmadali na din akong kumilos.
Naisip ko na ako lang pala ang wala dun na officer. Napa hawak tuloy ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko.
"Mauna na ako senyo, mukang need yung mga officers eh ako lang ang wala HAHAHAA ba-byeeeee"
Dali dali akong tumakbo pababa ng dorm at tumakbo ng main building hanggang sa maka punta ako sa field.
Hingal na hingal akong dumating dun. Nakatingin naman sakin sila Stacey at ang mga kaibigan nya, nakataas ang kilay nito at humagikhik pa sa itsura ko.
"Ba't ngayun ka lang?" Malalim at malamig na tono ng boses ni Aldrich.
Umiiling iling na nang aasar naman ang mga kaibigan nya. Tinignan ko sila ng masama.
"Sagutin mo ang tanong ko, hindi yung nag tataray ka dyan."
Nabalik ang tingin ko kay Aldrich dahil sa tanong nya. Medyo nasisilaw din ako dahil mas matangkad sya sakin at nakatingala ako sa kanya.
"Pag tinanong, sumagot." Biglang singit ni Stacey. At tinarayan nya pa ako!
Aba, kung hindi lang nakakahiya sa lahat sinabunutan ko na to.
BINABASA MO ANG
Blind Date
Mystery / Thriller"It's not just an ordinary online dating app. Because everyone who use it, must prepare to die." Status: On-Going Language: Taglish (tagalog-english) Date Publish: April 29, 2020