CHAPTER 31

25 2 2
                                    

"Wala akong sinabing patayin nyo sya! Diba sinabi ko sa inyo na hintayin nyo ang signal ko, bakit di nyo ko sinunod?!"

Galit na galit na sabi ng lalaki habang nagpapabalik balik ng lakad sa tatlong lalaki na kassama nya.

"Eto kase eh, sabi ko sayo ayusin mo yung trabaho natin." Paninisi ng lalaki sa isang kasama nya.

"Ikaw kaya yun, sabi mo diba sunod sunod lang" Sabi naman nung isa. Tahimik naman ang isa pang lalaki nilang kasama.

"Tumigil na kayo! Walang saysay ang pag aaway nyo, nangyari na patay na si Faye."

Binato nya ang bote ng alak na hawak hawak nya at saka iniwan ang dalawa.

Napasabunot sya sa buhok nya at sumigaw ng malakas ng makalayo sya ng tuluyan kung saan nya iniwan ang dalawa nyang kasama. Sinuntok nya ang pader kung saan nagtamo sya ng sugat sa kamao nya.

"Malapit ko ng makuha ang gusto ko, hindi ako pwedeng magkamali." Bulong nya sa sarili nya at muling bumalik kung nasan ang mga kasama nya.

---

Lory's POV:

Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Tumayo ako para magsimula ng mag-ayos at maligo.

Napahinto ako ng biglang may nakita akong papel sa lapag ng kama ko.

"discedite ab eo, uel Et alioquin interficiemus te?"

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkaka basa ko nun pero kahit na, hindi ko padin naman naintindihan. Binuksan ko ang laptop ko para sana i-search ang ibig sabihin nun pero bigla naman akong tinawag nila Mama sa baba para kumain.

So, yung nangyari kagabi totoo yun? Hindi ko maalala pero bago pumikit ang mga mata ko may nakita akong nakaitim na lalaki, pero di ko din sigurado kung tao ba yun o anino lang.

Aish sumasakit ang ulo ko kakaisip.

Pinag sa walang bahala ko nalang muna ang mga nangyari, okay lang din naman ang parents ko at mukang di nila naiisip yun. O baka naman panaginip ko lang talaga yun.

Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako agad sa parents ko. Sakto lang ang dating ko sa school kaya naman dumiretso muna ako sa committee office para mag attendance at i-check na din kung may kailangan ba akong gawain.

Palabas na sana ako ng biglang pumasok sa loob si Aldrich.

"Good Morning" then he smiled.

Wait. Did he really say that? And did he really smiled at me?

"Sabi ko good morning hindi mo man lang ba ibabalik?"

Required ba yun para sa lalaking 'to?

"Wala kaseng good sa morning lalo na kung ikaw agad makikita ko." Sabi ko at lumabas na ng office.

Panira talaga 'to ng umaga ko kahit kelan. Di kalayuan nakasalubong ko si Travis mukang kakapasok nya lang, nakita nya ako kaya naman kumaway sya ganun din ang ginawa ko pabalik.

"Nag-attendance ka na?"

"Yap." Maikling sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon