Chapter 1

534 192 131
                                    


Loreen's Point of View

Habang naglalakad papalabas ng bahay nararamdaman ko agad ang excitement. Isang buwan lang kami kada-taon dito sa probinsiya kaya naman sinusulit ko na ang bawat araw ko kasama ang mga taong nandito. Minsan ko lang din naman kasi sila makita.

Pumunta ako sa may bukid kasama si Remie, ang matagal ko ng best friend. Kasama rin niya ang family niya pumunta rito sa probinsya namin. Last year kasi roon kami nagbakasyon sa kanila.

Maghapon kaming naglaro ng badminton at volleyball kasama ang iba pang mga kasing-edaran namin na nakatira malapit doon. Halos ilang oras din kaming nakatayo kaya naman nagpahinga muna kami saglit ni Remie rito sa may puno.

"Ang gusto ko talaga sa probinsiya yung simple lang ang ulam nila pero sabay-sabay sila kumain." Banggit ni Remie sa akin sabay inom ng tubig niya.

Napatingin ako sa bukid, isa sa mga magagandang tanawin dito malapit sa bahay namin at ngumiti.

"Oo nga e. Naaalala ko rin noong bata ako, naglalaro kami rito ng mga kaibigan ko. Sadly, ako yung madalas na nabu-bully kasi nga mataba." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin lamang sa bukid.

"Hindi ka naman mataba ah. Sakto nga lang yung katawan mo e, pero nasaan na yung mga kaibigan mong 'yon?" Tanong ni Remie sa akin.

Natawa na lang ako sa sagot niya. Maski ako hindi ko na rin alam kung nasaan na ba ang iba. Marami na kasi ang nagbago simula nang naging dalaga't binata kami.

"Hindi ko na rin alam... pero kung nasaan man sila sana masaya sila. Binubully nila dating mataba, ngayon hindi na bakas sa katawan na naging mataba." Sabi ko kay Remie. Tumango siya at ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"Kaya nga, sana lahat sakto lang katawan pero ayos na rin naman ako sa katawan ko basta may buto't balat." Sabay kaming nagtawanan ni Remie at nang bumalik ang mga kalaro namin agad na kaming naghanda at muling nakipaglaro sa kanila.

Palo rito, palo roon. 'Yan ang laging nakikita kapag naglalaro ng volleyball. Hindi naman ako na-inform na malalakas ang palo ng mga kalaban namin kaya naman sa sobrang lakas ng palo ang layo ng napuntahan ng bola, gubat pa naman ito.

"Kukunin ko na!" Sigaw ko sa kanila. Kahit na malayo pa ang bola, matapang kong hinanap ang bola hanggang sa makarating ako sa sulok ng gubat.

Nang makita ko ang bola agad ko itong dinampot ngunit sa pagbalik ko sa kanila may isang matandang babae ang nakasalubong ko sa daan.

"Hija..." Tawag nito sa akin.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala namang ibang tao rito, kaming dalawa lang. Kahit na medyo nakakatakot ay sinubukan ko pa rin siyang lapitan.

May nilabas siyang kulay lila na bato sa kaniyang basket at aakmang ibibigay ito sa akin ngunit bago ko ito tanggapin tinanong ko muna siya.

"A-ano po ito...?" Mahinang bulong ko sa kaniya.

"Isang bato lamang iyan, bihira makakita ng batong lila ang kulay kaya naman tanggapin mo na ito. Magandang ilagay 'yan sa kwarto at kapag nakita mo 'yan na umiilaw sa gabi, ibig sabihin no'n ay may magandang pangyayaring magaganap." Sabi ng matanda sa akin.

Nag-aalinlangan akong kunin ito dahil hindi ko naman kilala ang matanda at hindi ko alam kung ano ba ang batong ito. Pero gusto ko na talaga makabalik sa mga kalaro ko kaya naman agad ko na itong kinuha mula sa kamay niya.

"Salamat po..." at tumakbo pabalik sa mga kasama ko.

~••••••~

"Sino ba ang nagbigay ng batong 'yan sayo?" Tanong ni Remie sa akin.

"Basta, ang dami mo namang tanong. Umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya at agad na kaming nag-ayos ng mga gamit namin.

Nagpaalam sa mga kalaro namin at naglakad papauwi. Nang makarating kami sa bahay agad kaming naglinis ng katawan namin at kumain ng hapunan.

~••••••~

"Ang creepy..." Sabi ni Remie.

"Weird..." Dagdag ko naman.

Habang tinititigan ang batong kulay lila hindi namin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kulay niya. Kanina pa kami search ng search pero walang lumalabas na tamang sagot.

"Siguro trip lang ng matanda na bigyan ka, hahaha." Tumingin ako kay Remie at binatukan siya gamit ang bato pero hindi naman gaanong kalakasan.

"Manahimik ka nga dyan. Hay nako! Kung walang ibig sabihin 'yan... matutulog na ako. 1:30 na ng madaling araw tapos tayo nag-iisip kung ano 'yan." Sabi ko kay Remie habang ako naman ay bumabalik sa higaan ko.

"Wala naman kasi tayong magiging problema kung hindi mo kinuha ang bato im the first place." Pinatay ni Remie ang ilaw at napabuntong-hininga ito.

Tama naman siya, kaso makulit kasi yung matanda kaya kinuha ko na lang.

"Tita oh, tulog pa." 'Di ko namalayan na ito pa lang si Remie sinumbong ako kay Mama.

"Tumindig ka na dyan. Tanghali na." Sabi ni Mama sa akin.

"Overslept again, hmm." Sabi ni Remie sa akin. Siguro pagod lang talaga ako kaya nakatulog ako hanggang tanghali.

Pagkatapos ko gawin ang dapat magawa agad na akong nagtungo sa aking kuwarto upang buksan ang laptop at muling magsulat ng update ko at ibahagi ito sa aking mga mambababasa.

Hindi madali maging isang manunulat, marami ang iyong masasagupa ngunit para sa akin, pagsubok lamang iyon upang mas maging matagumpay ako sa aking pagsusulat.

      Sa gitna ng aking pagsusulat ng aking akda, boses ng isang babae mula sa baba ang narinig ko na tumawag sa aking pangalan.

      Walang pag-aalinlangan na agad akong kumilos at umalis papunta sa baba. Iniwan at hindi pinatay ang laptop.

Remie's Point of View

Bigla kong binuksan ang pinto at agad na nagtungo sa loob ng kuwarto namin ni Loreen. Nakita ko ang bukas na laptop at agad itong nilapitan at kinalikot habang wala pa ang may ari ng gamit na ito.

"Cool." Bulong ko habang tinititigan ang mga stories sa wattpad account ni Loreen.

"Remie! Ano ginagawa mo dyan?" Tanong ni Loreen, bumalik siyang may hawak ng meryenda pero hindi ito para sa akin.

"Baba ka na rin daw sabi ng Mama mo, meryenda na tayo." Sabi ni Loreen kaya naman agad akong sumunod sa kaniya at sinara ang pinto.

      The purple stone that was given to Loreen from the old lady was actually magical. It's priceless.

     But magical doesn't mean positive as always.

Spark was sent to the gadget from the purple stone and it made the thing move on its own. Magical things never happened in this world until this happened because of the purple stone.

That day even the author did not noticed that something strange happened to her stories. Leading ladies from the other stories was sent to the writer's on-going story.

      All the 4 leading girls from different genres and story came in just one book. Things went too far without anybody noticing it.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon